Connect with us

Entertainment

Aktres na si Dimples Romana, Proud na Ibinahagi ang Pagbubukas ng Kanyang Restaurant sa Singapore

Muling pinahanga ng mahusay na aktres na si Dimples Romana ang publiko sa kanyang kasipagan at pagsusumikap sa buhay matapos ibahagi ang pagbubukas ng kanyang bagong negosyo sa ibang bansa.

Pagdating nga sa pagiging masinop sa perang kinikita, ay kabilang riyan ang “Huwag kang Mangamba” star na si Dimples Romana. At sa patuloy na pamamayagpag ng kanyang karera, kasabay nga nito ang pagbuhos ng mga biyaya sa buhay niya.

Nasaksihan na natin, ang bunga ng pagsisikap ni Dimples, kung saan ay napakarami ng ari-arian at negosyo, ngunit ngayon nga, ay may bagong biyaya na namang dumating sa buhay niya na mula sa kanyang pawis at dugo. Hindi lamang nga negosyo sa loob ng bansa ang sinubukan ni Dimples, dahil maging ang magtayo ng negosyo sa ibang bansa ay pinasok na rin ng aktres. Ito nga ang bagong negosyo ni Dimples na isang restaurant sa Singapore.

At nito lamang ika-28 ng Abril, araw ng Miyerkules, ay kinuha niya ang pagkakataong maibahagi sa kanyang Instagram, ang opening week ng kanyang restaurant sa Singapore na pinangalanan niyang Alegria.

Kalakip ang ilang larawang kuha sa bagong bukas niyang restaurant, ay nilakipan niya ito ng caption na ayon sa kanya, ay talagang maienjoy ng marami ang drinks, masarap na pagkain at magandang ambience ng lugar.

“The past week has been a blast as our Team Alegria in Singapore has been experienced and enjoyed by locals and our fellow Filipinos—the food, the ambiance, the drinks.”

Ang inihahain naman ng bagong bukas na restaurant na ito ng aktres sa mga customers ay non-traditional Latin-American cuisines. Dahil nga, dinagsa ng mga customers ang Alegria, ay ganun na lamang nga ang pasasalamat ni Dimples sa mga taong kumain sa resto, at ang ilan nga ay tinag pa ang resto sa mga larawan at videos sa kanilang masayang dining experience.

“A BIG THANK you to everyone who keeps sending us and tagging us their photos, videos of their food and dining experience. You guys are the best!!!”

Samantala, ayon naman sa 36 taong gulang na aktres, ang kanilang restaurant na handang magbigay ng masarap na pagkain at magandang serbisyo sa mga customers ay matatagpuan sa 18 Teck Lim Road, Singapore, at bukas mula Tuesdays to Saturdays.

Kaabang-abang naman ang upcoming episode ng PUSH Bets Live. Dahil dito nga ay ibabahagi ni Dimples ang dahilan kung bakit siya nagpasyang magtayo ng restaurant sa Singapore. Maliban rito, ay ibabahagi rin ng aktres ang kanyang pinagdaanan bilang isang entrepreneur, aktres at ina sa kanyang mga anak bago niya makamit ang tinatamasang tagumpay ngayon.

Aabangan rin ang kwento ni Dimples patungkol sa kanyang karanasan sa pagbubukas ng negosyo sa gitna ng pandemya.

error: Content is protected !!