Connect with us

Entertainment

Aktres na si Dimples Romana Labis ang Kaligayahan Matapos Surpresahin nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa Kanyang Kaarawan

Hindi inaasahan ng aktres na si Dimples Romana ang surpresang handog sa kanya ng kanyang asawang si Boyet Ahmee sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Tila nga nagmistulang reunion ng pelikulang “One More Chance” ang pagdiriwang ng kanyang espesyal na araw. Ito nga ay dahil may hindi siya inaasahang bisita, na nagbigay sa kanya ng labis na kaligayahan.

Sa latest vlog na mapapanood sa Youtube Channel ni Boyet, ay masaya niyang ibinahagi ang naging kaganapan sa handog niyang surpresa sa kanyang asawa na tinatawag niyang “Mahal na Reyna”.




Naghanda ng isang romantic date si Boyet para sa kanyang “Mahal na reyna”, at kasabay nito ay binasa naman ni Boyet ang isang nakakaantig na mensahe na nagpaluha kay Dimples. Naging emosyunal si Dimples sa napakasweet at punong-puno ng pagmamahal na mensahe.

“Dearest mahal na Reyna, what I really want to tell you my love is thank you. You are the reason why we are in a good place right now. You know it was not easy at first, but we got through it successfully.”

“17 years was not a stroll in the park when we started. But with all the happy as well as not so good memories, it made us stronger. And may this journey run smoothly.”

Photo credits: Boyet Ahmee | Youtube

Ngunit, ang buong akala ni Dimples ay simpleng almusal lamang kasalo ang mahal na asawa ang surpresa nito. Ganun na lamang nga ang pagkagulat ni Dimples nang biglang dumating ang kanyang mga kaibigan na sina Lloyd Cruz at Bea Alonzo na nakasama niya sa pelikulang One More Chance.

Photo credits: Boyet Ahmee | Youtube

Tila nga naging reunion ang kaarawan ng aktres, dahil matagal na ring hindi nagkikita ang mga ito. Mas lalo namang naging emosyunal si Dimples at tuluyan ng napaiyak nang masilayan at mayakap ang mga kaibigan.




Photo credits: Boyet Ahmee | Youtube

“Napaka-special ko naman. Hindi ako makapaniwala. Para akong nananaginip … sobrang saya ko na nakita ko kayo,” saad ni Dimples na halos hindi makapaniwala sa labis na kaligayahan.

Tugon ni Bea kay Dimples: “Ganu’n talaga. Moment mo ‘to mars!”

Photo credits: Boyet Ahmee | Youtube

“Ang sarap pala ‘no kapag people give you time and literal parang iniisip ko kanina, ‘Lord ano ba ‘tong nangyayari kasi parang one surprise after the other.’ Sa letter palang masayang-masaya na ako kasi si Boyet … he used to write me letters a long time ago,”pahayag ni Dimples.

Samantala, masayang-masaya naman si Boyet dahil sa unang pagkakataon ay nagawa niyang surpresahin ng ganito kalaki ang kanyang asawa.

Sa huli ay nilinaw naman ni Boyet sa kanyang vlog na lahat sila ay nagpaswab test bilang pagsunod sa safety protocols at lahat sila negatibo ang naging resulta.

error: Content is protected !!