Connect with us

Entertainment

Aktres na si Dimples Romana, Ibinahagi ang Struggles na Naranasan, Matapos Siyang Ikasal at Mabuntis sa Edad na 18

Makikita sa buhay ngayon ng aktres na si Dimples Romana at asawa nitong si Boyet Ahmee, ang isang masayang pagsasama sa nabuo nilang pamilya kapiling ang kanilang dalawang anak.

Ngunit, lingid sa kaalaman ng marami ay hindi naging madali ang pinagdaanan nilang mag-asawa bago makamit ang masaya at puno ng pagmamahalang buhay ngayon.

Photo credits: Dimples Romana | IG

Sa isang panayam, ay ibinahagi ni Dimples ang hirap na naranasan nang maikasal sa kanyang asawang si Boyet, at mabuntis sa edad na 18. Pag-amin ng celebrity mom, ay hindi nga madali ang kanilang pinagdaanan, kung saan ay dumating umano ang puntong napagod sila sa kanilang relasyon. At dahil nga, nasa murang edad nang sila’y maikasal, ay nakatanggap rin sila ng kaliwa’t kanang panghuhusga.

“There was a time that it was really hard for me and Boyet. We went through a mount of criticisms and doubts, coming from left and right.”

Photo credits: Dimples Romana | IG

At ayon kay Dimples, ay napakasakit isipin na mula pa sa mga taong malalapit sa kanila ang natatanggap nilang masasakit na salita at panghuhusga.

“Ang pinaka-painful pa, coming from people close to us. But okay, only time will be able to tell how we’ll be able to keep up our family.”

Photo credits: Dimples Romana | IG

Sa kabila naman ng mga pagsubok at hirap na naranasan, ay malaki naman ang pasasalamat ni Dimples dahil maging matatag sila ni Boyet, lalo na nga sa kanilang relasyon at mas nanaig ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa. Hindi nga sila sumuko sa mga pagsubok, at isa sa naiisip na dahilan ng aktres, ay dahil sa nagsimula ang kanilang pag-iibigan sa pagiging magkaibigan.

Photo credits: Dimples Romana | IG

“Kahit noong dumating kami sa point na ayaw na namin sa isa’t isa. Parang first eight years namin ni Boyet, gano’n! Parang we don’t really like each other pero with Boyet and I, we were friends kasi before we were lovers. I think the respect as friends never left us.”

At ngayon nga, ay makikita na talagang pinatatag na ng panahon ang kanilang pagsasama. Masayang-masaya naman ang kanilang pamilya na binigyang kulay ng kanilang dalawang anak na sina Callie Ahmee, at Alonzo Ahmee na mga mabubuti at mapagmahal na mga anak sa kanilang mga magulang.

Photo credits: Dimples Romana | IG

Naitanong rin sa aktres kung ano ang sikreto sa pagpapalaki ng mabubuting anak at kung paano napatatag ang kanilang relasyon sa loob ng maraming taon.

Photo credits: Dimples Romana | IG

Sagot naman ni Dimples, ay mahalaga na unahin ang pamilya higit sa anumang bagay.

“I think ang sikreto is really just to value family like it is the most important thing. If you want to succeed in life, you have to be able to create a balance being a housewife, mom, businesswoman, artist.”

error: Content is protected !!