Connect with us

Entertainment

Aktres na si Diane Medina, Masayang Nagdiwang ng kanyang ika-34th na Kaarawan Kasama ang Pamilya

Walang pagsidlan ng kaligayahan ang aktres at new mommy na si Dianne Medina sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Ika-5 ng Nobyembre nang magkaroon ng simple ngunit masayang salo-salo sa loob ng kanilang tahanan kasama ang pamilya at ilang malalapit na kaibigan ng aktres.

Ang espesyal na araw na ito ng aktres, ay pagdiriwang ng kanyang ika-34th birthday. At hindi maikakaila na talagang umaapaw ang biyaya sa buhay ni Dianne. Maliban kasi sa kanyang kaarawan, ay maituturing rin na biyaya ang pagdating sa kanilang buhay ng panganay na anak nila ng aktor na si Rodjun Cruz, na si Baby Baby Rodolfo Joaquin Diego III na isinilang ni Dianne noong ika-10 ng Setyembre.




Ayon nga kay Dianne, ay best birthday gift umano ang pagdating ni Baby Joaquin sa kanilang pamilya. Makikita nga sa isang video clip na masayang-masaya ang aktres habang pinanggigigilan ang napakagwapong anak.

โ€œmy best birthday gift ever โค๏ธthank you Lord ๐Ÿ™๐Ÿปโ€

Tila nga naging double celebration ang kaarawan ng aktres. At makikita nga sa mga larawang ibinahagi nito sa Instagram, ang kasiyahan sa mukha. Pinasalamatan naman ni Dianne ang panibagong buhay na ipinagkaloob sa kanya at isang masayang pamilya.

โ€œThank you Lord for the gift of life and family ๐Ÿ™๐Ÿป All glory and honor is yours my Almighty Father ๐Ÿ™๐Ÿปโ€

Napakapalad rin ni Dianne sa pagkakaroon ng isang sweet and loving husband na tulad ni Rodjun. At sa kaarawan nga ng kanyang misis ay may nakakaantig at napakasweet na mensaheng ipinaabot ang aktor.

โ€œTo my love and my life, my beautiful wife, my best friend, my light and dance partner forever, happy happy birthday!โ€,simula sa caption ni Rodjun.

Photo credits: rodjuncruz | Instagram

Hindi naman maitatanggi na malaki ang papel na ginagampanan ni Dianne sa buhay ni Rodjun. Kaya naman, pinasalamatan rin ng aktor si Dianne, dahil ito umano ang ngbibigay sa kanya ng lakas at inspirasyon. Dagdag pa ng aktor, na napakapalad nilang mag-ama sa piling ni Dianne.




โ€œThank you for being my source of inspiration and strength. You never fail to amaze me every single day. Both @babyjoaquinilustre and I are very blessed to have you in our lives.โ€

Sa huling bahagi ng mensahe, ay mababakas na talagang excited si Rodjun sa susunod na adventure ng kanilang buhay kasama ang kanilang anak na si Baby Joaquin, at kanilang magiging future babies.

โ€œLooking forward to many more adventures with you, Joaquin & future babies haha! I thank God every day for you! I Love you so much @dianne_medina ๐Ÿ’˜๐Ÿ˜๐ŸŽ‚๐ŸŽ‰๐Ÿ‘ธ๐Ÿผโ€

Samantala, marami naman sa kanyang mga kaibigan sa showbiz ang nagpaabot ng pagbati sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Katulad na lamang ng aktres na sina Yasmien Kurdi, Kyline Alcantara, Shaira Diaz, at Max Collins.

error: Content is protected !!