Connect with us

Entertainment

Aktres na si Chynna Ortaleza, Masayang Ibinahagi na Nakalipat na ang Kanilang Pamilya sa Kanilang Dream House

Tila natagpuan na ng aktres na si Chynna Ortaleza at ng kanyang pamilya ang bahay na matagal na nilang pinapangarap. At kamakailan nga ay masayang ibinahagi ng aktres na nakalipat na ang kanyang pamilya sa kanilang dream house.

Nito lamang Lunes, sa kanyang Instagram ay masayang ibinahagi ni Chynna, na nakalipat na ang kanilang pamilya sa bago at napakagandang bahay na may bakuran.

Credit: Chynna Ortaleza Cipriano | Instagram

Masayang-masaya nga ang aktres dahil ang pangarap na magkaroon ng sariling bahay na may bakuran ay naisakatuparan na nila ng kanyang asawang si Kean Cipriano.

Matatandaan naman na noong nakaraang buwan ng Marso, nang ibahagi ni Chynna sa publiko na nakakita na sila ng perpektong lugar para pagtayuan ng kanilang tiny dream house.

“I remember wishing for a house with a yard … with plenty of prayers we found a place that checks our tiny home dreams.”

Ipinaabot rin ni Chynna ang kanyang taos pusong pasasalamat sa mga taong tumulong at nagbigay katuparan ng kanilang dream home.

Credit: Chynna Ortaleza Cipriano | Instagram

“Thank you so much to everyone who constructed and provided us with this beautiful space … you guys are amazing!”

Hindi naman talaga maitago ni Chynna ang kanyang nadaramang kaligayahan para sa kanyang mga anak dahil makakapaglaro na ang mga ito, at maeenjoy na ang pagiging mga bata sa kanilang bakuran.

“Thank you for taking such good care of us and granting our wishes. Ang saya saya kasi nakalaro ang mga bata … naarawan … pinawisan! Amoy pawis sila!”

Credit: Chynna Ortaleza Cipriano | Instagram

Dagdag pa ng aktres sa kanyang post, ay malinis at nakasanitized na rin ang kanilang buong bahay para matiyak ang kaligtasan ng kanilang pamilya laban sa kumakalat na sakit.

Pinaalalahanan naman ni Chynna ang kanyang sarili na maging simple lamang sa pamimili ng mga gamit na ilalagay sa loob ng kanilang bahay.

“Note: Chynna isa lang ang kailangan mo na kawali! Keep it simple!”

Credit: Chynna Ortaleza Cipriano | Instagram

Sa bagong biyayang ito sa pamilya ni Chynna, na bagama’t maliit at simple ang kanilang magiging tahanan, ay maganda naman ito. Mas mahalaga naman kaysa sa malaki at magarbong bahay, ang tunay na pagmamahalan ng pamilya na nakatira sa isang maliit na bahay upang sama-samang bumuo ng mga pangarap at masasayang alaala.

Ang mag-asawang Chynna at Kean ay dalawang beses ikinasal. Una nga ay noong taong 2015 sa isang civil wedding ceremony at noong 2017 ay sa pamamagitan ng church wedding na dinaluhan ng kanilang mga mahal sa buhay at kaibigan.

Ang masaya at matamis na pagmamahalan ng mag-asawang Chynna at Kean ay biniyayaan ng dalawang anak. Ang panganay ay si Stellar na ipinanganak ni Chynna noong April 20, 2016, at bunsong si Salem na isinilang noong September 25, 2019.

error: Content is protected !!