Upang makatulong sa pag-aaral ng mga kabataan sa SOS Children’s Village, ay nagawang makipagtulungan ng butihin at napakagandang aktres na si Bea Alonzo, sa Netflix Philippines, sa isang proyekto nito, na sumusuporta sa foundation na “I Am Hope.”
Kamakailan nga lamang, ay tila isang maagang pasko ang ipinaramdam ng aktres sa mga kabataan sa SOS Children’s Village. Ito ay dahil sa kanyang ginawang pamimigay ng laptops sa mga kabataan na naroroon.
Sa Instagram account ng aktres, ay ibinahagi nito kung paano nabuo ang pagtutulungan nila ng Netflix para sa proyektong ito.
“I want to share with you some good news. So Netflix got in touch with meand they asked me if I could collaborate with them. And then naisip ko, if I where to go to the moon, who would I bring with me? So I immediately thought of the Kids of the SOS Children’s Village.
View this post on Instagram
“In line with our e-dukasyon program, we are going to SOS Children’s village to give them laptops and our donations to help them with their education.”
Hindi naman napigilan ng aktres na masorpresa ng makita sa labas ng kanyang bahay ang isang jeepney na dinesenyuhan na tila isang “rocket ship” , kung saan ay naglalaman ito ng mga laptops na mula sa Netflix, kaya nanan ito ang sinakyan ng aktes patungong SOS Children’s Village.
View this post on Instagram
“Oh my God, hindi sila nagbibiro. Totoong spaceship siya. Rocket ship to the moon. So, para akong nasa amusement park. Nakaka-happy. Okay. It’s time to fly away.
Para naman sa co-founder ng “I Am Hope” na si Rina Navarro, ay napakasaya niya dahil sa wakas, ay naisakatuparan na nil ani Bea ang pangarap nila na makapaghandog ng laptop para sa mga kabataan na kinakailangan ito sa kanilang pag-aaral.
“First time naming magdodonate ng laptops. Because of that, we’re so happy because ito talaga ‘yung pangarap natin ‘di ba? Na makapagdonate and siyempre at that time, we needed the support of others and this is our very first, kaya we’re so happy”, ang naging saad nga ni Rina.
View this post on Instagram
Samantala, bago pa nga ang naging pamamahagi ni Bea Alonzo ng laptops sa SOS Children’s village, ay nauna muna niyang makapanayam ang director nito, na si Director Raymond Rimando, kung saan ay ibinahagi nito ang mga kinakaharap na pagsubok ng mga kabataang nasa kanilang pangangalaga sa kalagitnaan ng nararanasan nating lahat na pandemy@.
“Ang pinakamalaking epekto lang po talaga ngayon isa ‘yung challenge sa nanay. Isipin niyo po sa isang bahay, mayroon kayong walong bata. Tapos ‘yung walong bata po na ‘yun nag-oonline or blended learning”, ani Raymond.
Malaki naman ang naging pagpapasalamat ng mga kabataan sa aktres, dahil sa malaking tulong talaga sa pag-aaral nila, ang mga laptops na ibinigay nito, pati na rin ang donasyon nito para sa kanila.
“Gusto ko pong magpasalamat kay Ate Bea at sa I Am Hope. Maraming-maraming salamat po sa tulong na binigay niyo, lalo na du’n sa mga laptop’s dahil need po talaga naming ‘yun ngayon”, saad nga nga isa sa mga kabataan sa SOS Village, na kinilalang si Alex.
Maliban nga sa laptops at donasyon, ay namahagi rin sina Bea ng mga pagkain at notebooks, sa mga kabataan na nasa SOS Children’s Village.