Connect with us

Entertainment

Aktres na si Bea Alonzo, Ipinasilip ang 2nd Floor at 3rd Floor ng kanyang Bahay sa Part 2 ng kanyang House Tour Vlog

Matatandaan na kamakailan lamang nang magsagawa ng house tour ang napakagandang aktres na si Bea Alonzo sa kanyang napakagandang bahay na nagsisilbi niyang tirahan sa loob ng walong taon. Ang napakalaki at napakagandang bahay ng aktres ay isang 3-storey house kung saan ay ipina-renovate niya kamakailan upang mas lalong gumanda.

Sa part 1 ng house tour vlog ni Bea ay nasilayan na natin ang ganda at disenyo ng unang palapag ng kanyang tahanan. Kagaya nga ng pangako ng aktres, na part 2 ng kanyang house tour, ay binigyang katuparan niya ito nitong ika-3 ng Oktubre sa vlog na mapapanood sa kanyang YouTube Channel.




Sa part 2 ng kanyang house tour, masayang ipinasilip ng aktres ang 2nd floor at 3rd floor ng kanyang napakagandang bahay. Pag-akyat nga sa ikalawang palapag ay agad na bubungad sa hallway ang family wall kung saan naka-display ang larawan ng kanyang pamilya. At isa nga sa ipinagmamalaki at nagsisilbing kayamanan ni Bea sa kanilang pamilya ay ang kanyang pamangkin na si Santiago Vito Carlos.

Ibinahagi rin ng aktres kung gaano siyang nagpapasalamat sa kanilang maalaga at mapagmahal na Mommy na kung saan ay naging sandigan at gabay ng kanilang pamilya. Ayon nga kay Bea, ang kanyang Mommy ang dahilan kung bakit niya nalampasan ang mga pagsubok na kanyang pinagdaanan sa buhay.

Sa silid naman ng aktres, ay masisilayan ang kalinisan at eleganteng disenyo nito. Ito nga ay may kombinasyon ng kulay puti at beige na disenyo na mas lalong nagpalutang sa ganda ng silid. Pagbabahagi naman ni Bea, ay madalas siyang mamalagi sa kanyang silid upang mag-relax at makapagpahinga kung kaya’t minabuti niya na disenyong nakakagaan sa pakiramdam ang ilagay rito.

Ipinasilip rin ni Bea ang bathroom kung saan masisilayan naman pagiging fancy nito. Sa loob ng bathroom ay matatagpuan ang isang bath tub. Mas lalo namang pinaganda ng chandelier na nakasabit sa ceiling ang bathroom ng aktres. Ipinakita rin ni Bea ang kanyang koleksyon ng perfumes na nakalagay naman sa isang estante.

Sumunod namang ipinasilip ng aktres ang walk-in closet o dressing room kung saan kadalasan siyang naghahanda at nag-aayos. Makikita naman rito ang koleksyon ng mga bag ni Bea at ilan sa mga ito ay naibenta na niya upang ibigay sa mga charity at makatulong sa mga nangangailangan noong panahon ng quarantine sa Metro Manila.




Maging ang napakaraming koleksyon ng sapatos ng aktres na talaga namang may magagandang disenyo ay ipinasilip rin niya. Kahanga-hanga naman ang isang painting na portrait ng aktres ang nakalagay. Ito naman ay regalo ng batikang aktor na si Aga Muhlach noong kaarawan ni Bea noong nakaraang taon.

Sa 3rd floor naman matatagpuan ang family room o entertainment area kung saan naman madalas mag-bonding o manood ng pelikula ang kanilang pamilya.

Sa naturang palapag rin makikita ang gym ng aktres, at dito nga siya madalas mag-ehersisyo lalo na ngayong hindi makapunta sa mga gym.

May sauna ring matatagpuan sa 3rd floor na nakahanda naman matapos niyang mag-exercise.

error: Content is protected !!