Connect with us

Entertainment

Aktres na si Bea Alonzo, Ipinamalas ang Angking Galing sa Pagbi-bake ng Donut

Published

on

Ang aktres na si Bea Alonzo ay kilala sa kanyang mahusay na pagganap sa mga pelikula. At ang kalimitan niyang ginagawang mga proyekto ay patungkol sa buhay pag-ibig, mga romantic movies na naghahatid ng kilig sa mga manonood. Ang isa nga sa mga pelikulang nagpaantig at nagpakilig sa puso ng mga manonood ay ang “One More Chance”, kung saan nakatambalan niya ang aktor na si John Lloyd Cruz.




Dahil sa maganda nilang chemistry na talagang nagbibigay saya at kilig sa kanilang mga tagahanga, ang una nilang pelikulang “One More Chance” ay nasundan pa at ito nga ang pelikulang “A Second Chance” na kung saan ay talagang inabangan at sinubaybayan ng publiko.

Marami pang mga naging proyekto si Bea na talagang ipinamalas ang kanyang talento sa pag-arte. Ngunit, dahil sa biglang pagdating pandemic na sakit na COVID-19 sa bansa, natigil lahat ang kanyang mga proyekto at iba pang pinagkakaabalahan sa industriya ng showbiz. At bilang pagsunod sa pinapairal na quarantine ng gobyerno, nananatili lamang sa loob ng kanilang tahanan ang aktres.

Ngunit, ano kaya ang pinagkakaabalahan ni Bea sa loob ng kanilang tahanan ngayong quarantine?




Ngayong panahon nga ng quarantine ay abala ang aktres na si Bea Alonzo sa pagtuklas ng mga bagong bagay. Maliban sa pagiging co-founder ng I Am Hope organization, isang organisasyon na lumilikom ng pondo upang tulungan ang mga mamamayan na apektuhan ng krisis na dulot ng COVID-19, masaya ring ibinahagi ng aktres na abala siya sa pagpipinta sa loob ng kanilang tahanan habang sumasailalim sa quarantine.

Ngunit, hindi lamang ito ang bagay na natuklasan ni Bea na nakakapagpasaya sa kanya habang nasa loob ng kanilang tahanan, dahil maging ang pagbi-bake ay pinaglaanan rin ng oras ng aktres.

Ipinamalas nga ni Bea ang kanyang baking skills sa pagbi-bake ng donut sa kanyang kusina ngayong quarantine. Masaya namang ibinahagi ng aktres sa Instagram ang gawa niyang masarap na donut. Ayon pa sa aktres, masarap din ang amoy ng kanyang kusina na nababalot ng amoy ng bagong bake na donut.




“Brought out my rolling pin and put my kneading skills to test again. I’ve been busy making donuts these past few weeks hmmmmm.. if you could only smell my kitchen right now 🤤”

error: Content is protected !!