Connect with us

Entertainment

Aktres na si Bea Alonzo, Inamin na Minsang Naging Life Saver ang Aktor na si John Lloyd Cruz Nang Pumunta Siya ng Dubai

Sa latest vlog ng aktres na si Bea Alonzo nito lamang ika-29 ng Mayo ay masaya niyang binalikan ang kanyang mga naging bakasyon sa mga napuntahan niyang lugar. Sa nasabing vlog, ay ibinahagi ni Bea ang magagandang lugar na pasok sa kanyang top 10 travel destinations.

Sa bawat napupuntahang lugar ay talagang nag-eenjoy si Bea dahil nakakasalamuha niya ang iba’t ibang tao, natututo rin ng iba’t ibang culture at natitikman rin ang mga ipinagmamalaking pagkain ng bawat bansa.

Hindi naman nakakalimutan ni Bea ang masasayang karanasan sa mga napuntahan niyang magagandang lugar sa bawat sulok ng mundo. At isa sa Top 10 travel destinations na pinakapaborito ni Bea ay ang Dubai, United Arab Emirates.

Photo credits: google.com

Nasa taong 2005 hanggang 2007 nang unang magtungo si Bea sa Dubai kung saan napabilang siya sa malaking grupo ng mga artista para sa gagawing show doon. Ilan nga sa mga ito ay sina John Lloyd Cruz, Sarah Geronimo, Rachelle Ann Go, at Erik Santos. Kasama naman ni Bea ang kanyang ina na si Mary Ann Ranollo. Hindi naman inaasahan na ang Dubai trip palang ito ni Bea, ay magbibigay sa kanya ng hindi makakalimutang karanasan.

Ito nga ay matapos umanong ubusin ng kanyang ina ang kanyang talent fee para sa show sa Dubai. At ang travel fund sana na kanilang gagastuhin habang nananatili sa Dubai ay pinamili ng mga alahas ng kanyang Mommy Mary Ann, sa isang napakalaki at oldest gold market sa Dubai, ang Gold Souk.

Photo credits:bea alonzo | IG

Kwento nga ni Bea, ay nagulat siya nang pagpasok ng kanyang ina sa kanilang silid na tinutuluyan ay may dala itong mga alahas. At doon nga, ay narealized ni Bea na nagastos ng lahat ng kanyang ina ang kanyang talent fee.

“The first time we ever went to Dubai, parang we had this show with The Champions pa at that time.”

“I was really jet-lagged, I was really tired. So sabi ko kay mama, hindi na ako sasama dun sa Gold Souk. She went with the group.”

“When my mom arrived at the hotel, ang dami na niyang dalang alahas. Sabi niya, ‘Anak, isukat mo ito,’ ganyan-ganyan.”

“And then meron din siya for my brother, for my lola… So nagtanong ako, ‘Asan na yung talent fee, Ma?’ Nagastos niya na lahat sa Gold Souk.”

Photo credits:bea alonzo | IG

Nang mga panahon ring iyon ay wala pang credit card si Bea. Sa unang araw pa lang nila sa Dubai ay ubos na ang kanilang pera dahilan nga upang hingin ni Bea ang tulong ng aktor na si John Lloyd Cruz. Si John Lloyd nga ang nagsilbing life saver ni Bea habang nananatili sa Dubai. Ngunit, nilinaw naman ni Bea na binayaran naman niya ang mga nagastos ni John Lloyd sa kanilang mag-ina pagdating ng Manila.

Photo credits:bea alonzo | IG

“So sa buong five days or one week namin sa Dubai, wala kaming pera. As in sumasama lang kami kay John Lloyd para magpalibre ng meals, ganyan.”

“Binayaran naman namin siya pagdating sa Manila, so that’s what happened.”

Isa naman aral ang natutunan ni Bea sa tuwing pupunta sa ibang bansa, ang magkaroon ng credit card. Kaya naman pagkauwi ng Pilipinas ay kumuha na ng credit card ang aktres.

“After that, nag-apply na kami ng credit card and lesson learned ni mama, dapat sa first day, hindi mo muna ginagastos lahat ng pera mo.”

error: Content is protected !!