Connect with us

Entertainment

Aktres na si Bea Alonzo, Ginawa ang Ilang Trabaho sa kanyang Farm, Nagbigay rin ng Update sa Progress ng Farm

Marami ang humanga at nainspire sa vlog ng aktres na si Bea Alonzo nang minsang ipasilip niya ang kanyang napakaganda at napakalawak na farm na matatagpuan sa Zambales. At isa sa dahilan ng maganda at pagiging maayos ng kanyang farm na bunga ng kanyang pagsisikap ay ang kanyang ina na si Mary Anne Ranollo.

Credits: Bea Alonzo | Youtube Channel

Sa Beati Firma farm ni Bea nakatanim ang malawak na taniman ng mangga, at may iba’t ibang klase ng hayop rin silang inaalagaan dito tulad ng baka. Makikita naman na talagang napakahands on ng ina ni Bea sa pangangalaga sa farm ng kanyang anak.

Kaya naman, sa vlog na ibinahagi ni Bea nito lamang ika-15 ng Mayo, ay sinubukan niyang gawin ang ilang trabaho sa farm ng walang kaarte-arte. Maliban rito, ay nagbigay rin ng update ang aktres sa mga bagong ipinatayo sa farm.

Credits: Bea Alonzo | Youtube Channel

Sa unang bahagi ng video, ay makikita ang paglilibot ng aktres sa farm kasama ang kanyang ina. Mapapansin na marami na ring bunga ang mga mangga sa kanilang farm, at makikita na kumain pa sila ng mangga.

Samantala agad naman nilang tinungo ang bagong project ng kanyang ina sa farm. Ang ipinapagawang bahay para sa mga staff ng farm. Matatandaan na sinabi ni Bea ang planong ito ng kanyang ina sa kanyang naunang vlog.

 

Credits: Bea Alonzo | Youtube Channel

At ngayon nga, ay makikita na may dalawa ng bahay ang tapos ng gawin at may nakatira na nga habang may isa naman ay patuloy na ipinapagawa. Kwento naman ni Madam M, ina ni Bea, ay umaga at hapon siya kung pumunta sa staff house para madalaw ang mga manggagawa.

Inalok naman ni Madam M si Bea, kung gusto nitong magtanim, at hindi naman ito tinanggihan ng aktres. Ang unang task nga ni Bea, ay ang pagtatanim ng kalamansi. Walang kaarte arte na itinanim ni Bea ang dalawang puno ng kalamansi. Ayon naman kay Madam M, kaya niya inutusang magtanim si Bea ng kalamansi, ay upang makita ng aktres ang punong itinanim sa tuwing bibisita ito sa farm. Ibinahagi rin nito na pagdating sa pagmamanage ng farm ay kailangan ng mahabang pasensya.

Credits: Bea Alonzo | Youtube Channel

Matapos magtanim ng kalamansi, ay nagpakain naman ng baka si Bea. Makikita na nag-enjoy si Bea sa pagpapakain ng baka habang nakikipagkwentuhan sa kanyang ina.

Matagumpay ngang nagawa ni Bea ang mga tasks na ibinigay sa kanya ng kanyang ina sa maghapon. Bagama’t napagod ang aktres, ay masaya naman at nag-enjoy si Bea sa kanyang ginawa bilang pagtulong na rin sa kanyang ina.

error: Content is protected !!