Connect with us

Entertainment

Aktres na si Barbie Imperial, Kinilig sa Sobrang Saya Matapos Surpresahin ng Kanyang Sweet Boyfriend na si Diego Loyzaga

Marami ang kinilig at napa “sana all” sa nakakakilig na eksenang hatid ng magkasintahang sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga. Nitong araw ng Miyerkules, ika-13 ng Enero nang ibahagi ni Barbie sa Instagram, ang nakakakilig na surpresa ng kanyang nobyo pag-uwi ng aktres sa kanilang tahanan.




“Came home to this. Grabe naman. Thank you, grabe ka talaga ? you’re the best. Thank you my love @diegoloyzaga,” saad ni Barbie.

Makikita sa mga larawang ibinahagi ng aktres, na sa kanyang pag-uwi, ay bumungad sa kanyang silid ang napakagandang dekorasyon. Pinuno ni Diego ng white balloons at white roses ang silid ng aktres. Sino nga ba ang hindi kikiligin kapag ikaw ay hinandogan ng ganitong surpresa?

Ngunit, hindi lamang ito ang effort na ginawa ni Diego, dahil masisilayan rin ang kislap na hatid ng mga fairy lights sa silid na nagbigay ng magandang vibes. Romantiko naman ang dating ng mga white petals na nagkalat sa sahig, dagdagan pa nga ito ng mga nakasinding kandila sa sahig, at mga sweet photos ng magkasintahan na nakasabit sa lobo. Kapansin-pansin rin ang mga nakakakilig na salitang nakasulat sa bawat larawan, katulad na lamang nga ng “My Princess,” “My Bestfriend,” “How happy you make me,” “My sisters like you,” at “The best view in the world.”

Talaga namang kilig overload at labis ang kaligayahan ni Barbie nang masilayan ang surpresa ni Diego. Kaya naman, hindi matatawaran ang pasasalamat ng aktres sa kanyang nobyo. Hindi naman maikakaila na napakapalad ni Barbie sa pagkakaroon ng pag-ibig sa katauhan ni Diego, na talaga namang napakasweet.




Hindi lamang nga si Barbie ang kinilig at natuwa sa ginawa ni Diego, kundi pati na rin ang mga netizens na napa “sana all”. Kaya naman, nag-iwan ang mga ito ng mga komento na hindi maitago ang kilig at nagpakita rin ng pagsuporta sa kanilang pag-iibigan.

“Diego, pls be good boy. Love & respect her,the way you love&respect your mom. Everyone will be proud of you.”

“Sana nman magtagal tong mga ganitong relasyon”

“Bagay sila..barbie pakabait ka mahal na mahal kayo ng mama nyo..at mas lalong mahal c Diego ng mommy nya.”

“ang cute nila ‘ bagay na bagay ?? SS lang mga lodi ?”

Samantala, noong nakaraang taon ay usap-usapan na sa social media ang pagkakamabutihan ng aktres na si Barbie Imperial at anak ni Teresa Loyzaga na si Diego Loyzaga. At sa pagbungad nga ng taong 2021, ay kinumpirma na ng dalawa ang kanilang relasyon matapos magkasamang magbakasyon sa Bohol.

Sa Instagram, ay inanunsyo ni Barbie ang kanilang relasyon na kung saan ay tinawag niyang “totally unexpected”.

“Still my favorite photo of us. Totally unexpected to fall for someone I thought I’d be just friends with forever but I’m really happy to have found both love and friendship with this one. Thank you for making me happy and feel loved. Thank you for everything that you do to make me feel the love I deserve. So thankful for you, thank God for you.”

error: Content is protected !!