Connect with us

Inspiring

Aktres na si Arci Muñoz, Ibinahagi ang Nakamit na Tagumpay, Isa Nang Ganap na Sergeant sa Philippine Air Force

Marami ang talagang humahanga sa angking kagandahan at talento ng aktres na si Arci Muñoz, na talaga namang namamayagpag ang karera sa showbiz. Ngunit, maliban sa pagiging sikat na artista, ay isa na rin ngayong ganap na sarhento sa Philippine Air Force ang aktres.

Sergeant Ramona Cecilia Datuin Muñoz, ito na nga ang maaaring itawag sa napakagandang aktres na si Arci Muñoz. Ito nga ay matapos makompleto ng aktres ang Basic Citizen Military Training sa Gaerlan Auditorium ng HAFR sa Clark Air Base, Pampanga nito lamang Linggo, Oktubre 25.




Matagumpay na nalampasan ni Arci, kasama ang iba pang military reservist graduates, ang hamong ibinigay sa kanila. At matapos nga ang 30 araw, ay nakamit na ni Arci ang kanyang certificate.

Ngunit, bago mapasakamay ang katibayan ay sumailalim muna si Arci sa HADR training, marksmanship training, Obstacle Course, Field Training Exercise (FTX) at iba pang training upang matiyak ang kanyang kahandaan kung kaya niyang gampanan ang tungkulin bilang isang reservist sa ilalim ng Philippine Air Force.

Makikita nga sa official Facebook page ng AFRC Laang Kawal, ang malugod na pagtanggap kay Arci bilang kanilang kabahagi, matapos nga nitong maipasa ang mga training. Makikita naman sa larawan na hawak ng aktres ang nakamit niyang certificate na nagpapatunay na isa na siyang ganap na sarhento sa ilalim ng Philippine Air Force.

Samantala, proud namang ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram account ang nakamit na tagumpay. Ayon nga kay Arci, ay hindi maging madali ang kanyang mga pinagdaanang training bago makuha ang certificate. Habang sumasailalim rin sa training ay natutunan umano niyang maging humble at magkaroon ng respeto sa sarili. Lubos rin niyang hinangaan ang kanyang mga kasamahan dahil sa hirap na pinagdaanan.

“Getting here hasn’t been traversed overnight; although what I went through is nothing compared to my colleagues — I feel great admiration for them. I also found myself humbled, and it made me gain a renewed self-respect.”

Pagbabahagi naman ni Arci, ay umaasa siyang ang kanyang mga natutunan ay hindi niya kailanman gagamitin sa karahasan bagkus, ay gagawin niyang inspirasyon para magkaroon ng kapayapaan ng lahat. Nangako rin ang aktres na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya upang pagsilbihan ang sambayanan.




“That being said, I hope that I’ll never have to use what I learned for violence. Instead, be an inspiration to many to have a sense of comradeship so we can all live in peace. I will forever cherish and hold on to the learnings and core values that this institution instilled. I will remain a snappy composure and continue to serve in the best interests of my nation.
Sincerely yours, Sergeant Ramona Cecilia Datuin Muñoz.”

error: Content is protected !!