Connect with us

Entertainment

Aktres Na Si Antoinette Taus, Taglay Parin Ang Kahanga-hangang Kagandahan Kahit Nasa Edad 40 Na

Sumikat noong dekada 90 ang aktres na si Antoinette Taus, kung saan nga ay marami ang pinahanga ng kanyang taglay na kagandahan at talento sa pag-arte. Nagsimula si Antoinette sa showbiz bilang teen star, at pinatunayan ang husay sa pag-arte. Mas lalong sumikat si Antoinette sa kanyang pagganap sa Anna Karenina.

Credits: Antoinette Taus | IG

Naging bahagi rin siya TGIS, at naghatid naman ng kilig sa teleseryeng Sana Ay Ikaw Na Nga, kung saan ay nakatambalan niya ang aktor na si Dingdong Dantes. Taong 1992 nang magpasyang pasukin ni Antoinette ang showbiz at pagsapit ng 1996, ay naging isang ganap na Kapuso ang aktres.

Samantala, sa kabila ng matagumpay na karera ni Antoinette sa showbiz, ay nagpasya siyang lisanin ito upang manirihan sa Los Angeles. Sa loob ng halos sampung taong paninirahan ng aktres sa ibang bansa, ay bumibisita lamang siya sa Pilipinas para makasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

Sa pagpanaw ng kanyang inang si Cora, ay patuloy parin siyang nanirahan sa ibang bansa kasama ang kanyang amang si Tom Taus Sr, at kapatid niyang si Tom Taus Jr.

Credits: Antoinette Taus | IG

Labis naman ang nadamang kalungkutan ni Antoinette sa pagpanaw ng kanyang iba. Kaya naman, kahit wala na ito ay nais niya paring alalahanin ang mga masasayang alaala na kanilang pinagsaluhan. Kaya naman, napagpasyahan ng aktres na magtayo ng organisasyon na kanyang ipinangalan sa yumao niyang ina. Ito nga ang CORA o Communities Organized for Resource Allocation na ang layunin ay makatulong sa mga mahihirap.

Isa rin sa pinagtutuunan ng pansin ng CORA ang bigyang solusyon ang environmental problems sa mundo tulad na lamang nga ng global warming at climate change. Tumutulong rin si Antoinette sa iba pang organisasyon na may kaugnayan sa mental health ng isang tao.

Credits: Antoinette Taus | IG

Dahil nga sa kanyang mabuting adhikain, ay hinirang si Antoinette bilang National Ambassador for the Philippines noong 2019. Ito nga ay sa pangunguna ng United Nations Environment Programme na ang layunin ay “to promote sustainability and environmental protection”.

Matagal na ring hindi nasisilayan ng publiko sa telebisyon si Antoinette. Kaya naman, marami sa kanyang mga tagahanga ang namimiss na rin siya.

Credits: Antoinette Taus | IG

Marami naman ang nasabik sa muling pagbabalik telebisyon ni Antoinette, at tulad nga ng inaasahan ay pinahanga ni Antoinette ang kanyang mga fans matapos masilayan ang kanyang napakagandang mukha na tila hindi tumatanda sa kabila ng kanyang edad na ngayon nga ay 40 taong gulang na.

Maliban sa ilang TV guesting, ay huling napanood si Antoinette sa ilang teleserye tulad ng “Tubig at Langis” noong 2016. Hindi man nga gaanong napapanood sa telebisyon, ay suportado naman siya ng kanyang mga tagahanga sa kanyang adhikain sa pagtulong hindi lamang nga sa tao kundi maging sa kalikasan.

error: Content is protected !!