Connect with us

Entertainment

Aktres Na Si AJ Raval, Tinawanan Lamang Ang Kanyang Viral Video Habang Siya’y Kumakanta Nang Wala Sa Tono

Ang aktres na si AJ Raval ay isa ngayon pinakapinag-uusapang artista sa industriya ng showbiz. Si AJ ay anak ng kapwa sikat na artista na sina Jeric Raval at Alyssa Alvarez. Sinimulan niya ang kanyang karera sa industriya taong 2019 at kalaunay naging tanyag ang kanyang pangalan sa showbiz.

Photo credits: Aj Raval | FB

Marami na rin ang kanyang naging proyekto katulad na lamang ng Indak, When I Grow Up I want to be a Pornstar at ang pinakapinag-uusapang pelikula nito na ang Taya. Nakatambal ni AJ Raval si Sean de Guzman sa nasabing pelikula na naghatid ng init at intense sa bawat manunuod.

Sa kabila ng kanyang kasikatan ay maraming issue ang ibinabato kay AJ. Kabilang na rito ang usaping pagiging third party niya sa hiwalayan ng mag-asawang Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Na nang una’y tinatanggi nilang dalawa, ngunit kamakailan lang ay kinumpirma ng kanyang amang si Jeric Raval ang relasyon nila Aljur Abrenica.

Photo credits: Aj Raval | FB

Muli namang napag-usapan si AJ Raval nang kumanta ito sa isang event noong ika-26 buwan ng Marso nitong taong 2022. Ginanap ang nasabing event sa Cebu City Sports Center. Ang video ng pagkanta ni AJ sa hit song ng The Pussycat Dolls na “Stickwitu” at ng “That’s What You Get” ng Paramore nang wala sa tono ay naging viral sa social media.

Photo credits: Aj Raval | YT

Humakot nga ng samu’t saring komento ang eksenang ito ng aktres. At karamihan nga sa mga natanggap niyang komento ay negatibo. Ngunit, sa halip na maapektuhan ay tinawanan lamang ito ni AJ.

Aniya,“Actually marunong naman akong kumanta kahit papano, but since pandemic nang mag-start ako mag-artista, ito palang yung fisrt time kong humarap sa napakaraming tao. Hindi ko in-expect na ganon karami ang tao so nandoon talaga yung pressure at kaba. Hahahaha!”

Imbes nga na masaktan sa mga negative comments at memes na kumakalat sa social media ay natatawa na lamang si AJ Raval. Ayon pa nga sa kanya, ay tanggap niya sa kanyang sarili na na hindi siya singer at hindi siya napipikon sa mga pamimintas na kanyang naririnig mula sa publiko.

Photo credits: Aj Raval | FB

Na overwhelmed naman ang actress sa mga taong sumuporta sa kanya dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na nasilayan siya ng kanyang mga fans nang personal. At alam niyang marami ang nakakakilala sa kanya sa Cebu. Hindi naman maitatanggi na marami ang mga tagahanga ni AJ ang dumalo at dinagsa nga ang nasabing event para lamang makita siya.

Photo credits: Aj Raval | YT

Sa karagdagang panayam sa aktres, ay nabanggit rin ang tungkol sa kanyang online English Proficiency class.

“Okay naman, may natutunan ako. Nagamit ko sa karakter ko sa Iskandalo [original series ng Vivamax] dahil medyo Inglesera ang role ko kaya medyo naging okay ang diction ko.”

“Pero hindi talaga para sa akin ang English language. Dito ako sa Pilipinas lumaki, purong Pinoy ako at Tagalog talaga ang first language ko, puwede rin Kapampangan.”

error: Content is protected !!