Connect with us

Entertainment

Aktres at Vlogger na si Ivana Alawi, Sinurpresa ang Kanyang Kapatid na si Hashim ng Isang Napakaganda at Mamahaling Motor Matapos Dedmahin sa Loob ng 24 Oras

Tila nga hindi nauubusan ng pakulo ang aktres at vlogger na si Ivana Alawi para maghatid ng saya sa kanyang mga tagahanga. Sa vlog nga na pinamagatang “Ignoring Hash for 24 hours” na ibinahagi nito lamang ika-6 ng Hulyo sa kanyang Youtube Channel, ay marami ang natuwa matapos nitong surpresahin ng isang napakaganda at mamahaling motor ang kapatid nitong si Hashim Alawi. Ngunit, bago pa man nga matanggap ni Hash ang inihandang surpresa ay isang prank muna ang pinagdaanan nito, ang dedmahin sa loob ng 24 oras ng kanyang pamilya.

Sa nasabing vlog ni Ivana ay magbabakasyon sila ng kanyang pamilya sa Tagaytay. Kasama ni Ivana si Mama Alawi, kapatid na si Mona at Hashim na magsisilbi nilang driver. At ang plano nga ni Ivana na hindi papansinin si Hash ay sinimulan na niya habang nasa biyahe.

Hanggang sa makarating nga sila ng Tagaytay ay nagpatuloy ang pangdededma ni Ivana kay Hashim pati na rin nina Mama Alawi at Mona. Tila nakaramdam naman na si Hash sa ginagawa ng kanyang pamilya sa kanya at mapapansin nga na medyo naiinis na ito. Magmula kasi sa biyahe hanggang sa Tagaytay ay tila hindi kasama nina Ivana si Hash, na animo’y hindi nila ito nakikita.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Mapapansin naman ang pagiging makulit ni Hash na kahit nga hindi siya pinapansin ay patuloy parin sa sa pagsama niya sa kanyang mga kapatid at naglalambing pa. Hanggang sa nakatulog si Hash, samantalang kumain naman sina Ivana nang hindi niyayaya si Hash, dahilan upang tuluyan itong mapikon.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Hanggang sa biyahe pabalik ng Manila ay hindi parin nga pinapansin ni Ivana si Hash. At lingid nga sa kaalaman ni Hash, ay may inihandang surpresa si Ivana para sa kanya. At ito nga ay isang napakaganda at mamahaling motor kung saan ay ipina-deliver ng aktres sa kanilang bahay, upang sa pagdating nila ay bubungad ito kay Hashim.

Nang makita nga ni Hash, ang inihandang surpresa para sa kanya ni Ivana, ay ganun na lamang nga ang kanyang pagkagulat. Kwento naman ni Mona, ay humingi umano sa kanila ng opinyon si Hash tungkol sa Honda PCX 160 na motorsiklo. Ngunit, alam naman ni Ivana na hindi naman mahilig gumastos ang kapatid niyang si Hashim dahil kuripot ito, ay naisip niya na surpresahin nga ito ng motor na nais bilhin.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Hindi nga halos nakapagsalita si Hash sa labis na kaligayahan nang malapitan at mahawakan ang bago at napakagandang Honda PCX 160. Mas lalo namang naging emosyunal at tuluyang napaiyak si Hash sa sinabi ni Ivana na isa siyang mabuting kapatid kaya deserve niya ang surpresa. Nakangiti namang nagpasalamat si Hashim kay Ivana dahil hawak na niya ang inaasam niyang motor.

error: Content is protected !!