Connect with us

Entertainment

Aktres at Vlogger na si Ivana Alawi, Ipinasilip ang Kanyang Napakaganda at Komportableng Customized Van na Nagsisilbi Niyang Second Home at Kasama na niya ng Halos Apat na Taon

Ang aktres at vlogger na si Ivana Alawi ay laging abala sa kanyang kaliwa’t kanang proyekto, mapa-taping man o shoot noong hindi pa dumarating ang pandemya sa bansa. Sa mahabang traffic, nakakapagod na biyahe at maging sa set ng kanyang taping ay kasangga ni Ivana ang kanyang napakagandang dream customized van na binigyang katuparan ni Atoy Llave, na napakahusay pagdating sa pagsasaayos at pagpapaganda ng mga sasakyan.

Sa latest vlog ni Ivana, ay ipinasilip niya ang kanyang customized van na ayon sa aktres ay halos apat na taon na niyang kasama sa lahat ng lakad niya. Lahat nga ng kailangan ni Ivana, ay nasa loob na ng kanyang van. Kaya naman, talagang komportable siya saan man siya magpunta.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Ang naisip ilagay na disenyo ni Ivana ay ang paborito niyang kulay na brown at biege, idadag pa nga rito na mahilig rin siya sa mga nude colors. Samantala, inisa-isa ni Ivana ang bawat bahagi ng van, kung saan nga ayon sa aktres ay madalas siyang matulog kapag nasa taping. Ngunit, dahil nga sa pandemya, ay binira na niya itong magamit dahil nga nilimitahan ng ang mga tapings, at sa ngayon ay wala pa siyang gaanong proyekto.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Pagbabahagi pa ni Ivana, ay ito ang kauna-unahan niyang investment, na talagang nagagamit niya sa trabaho, at malaking tulong sa kanya, dahil halos dito na nga siya natutulog at kumakain. Ayon kay Ivana, ang customized van na ito ay nagsisilbing niyang pangalawang tahanan.

Makikita naman rito ang isang sofa, na pwede ring gawing kama. At sa ilalim nito ay makikita naman ang mga nakatagong pagkain ni Ivana. Saad ng aktres, ay gusto niya talagang marami siyang nailalagay sa loob ng sasakyan.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Ipinakita rin ni Ivana ang lagayan ng kanyang mga eating utensils, at iba pang gamit. May munting vanity mirror rin si Ivana sa loob ng van, at may maliit ring lamesa. Samantala, ang isang pinakamahalagang gamit na hindi pwedeng mawala sa van ni Ivana, ay ang arenola kung saan siya umiihi kung sakaling maabutan man habang nasa biyahe.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Napakaganda naman ng disenyo ng ceiling nito, na tinawag ni Ivana na Star Light dahil sa mga stars nitong disenyo na nag-iiba-iba ng kulay at napakagandang pagmasdan kapag madilim na animoy mga bituin sa kalangitan.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Ang komportableng upuan naman nito ay adjustable sa kahit anong posisyon at direksyon. May TV rin si Ivana sa loob ng kanyang van, at kadalasan nga ay nanonood siya rito ng mga pelikula habang nagpapahinga.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Sa kalagitnaan naman ng vlog ay biglang dumating ang kapatid ni Ivana na si Hashim. At ibinahagi nito na magmula ng mabili ni Ivana ang van ay hindi na umano ito bumili ng sasakyan para sa sarili, maliban nga sa sasakyang binili ng aktres para sa kanyang ina.

Tunay nga na napakabuti ng puso ni Ivana dahil wala sa isip niya ang bumili ng bagong sasakyan dahil nagagamit at marami naman silang napupuntahang lugar gamit ang van. At ang nasa isip nga ng aktres, ay ang mag-ipon at tumulong sa mga nangangailangan.

Sabi nga ni Ivana, “Marami naman akong napupuntahan dito sa van, so hindi ko nakikita ang point kung bakit ko kailangang bumili ng bagong kotse. You just have to be sometimes happy with what you have, and this is something that I love so much.”

Sinagot naman ni Ivana si Hashim nang sabihin nito, na kung kailan naman naging successful si Ivana, ay hindi umano ito mahilig bumili ng mga bago, at ginagamit parin ang lumang van.

Sagot nga ng aktres, ay ganun rin umano ang kanyang ama, at ganun sila pinalaki kung saan hindi porket nagkapera ay gagastahin na lang sa kung anong maganda ang pera.

“I think ano, enjoyin mo lang kung anong meron ka, mag-ipon ka, tumulong ka, and iyon yung mga priorities ko.”

At kahit nga hindi nakakabili ng bagong sasakyan, ay masaya naman si Ivana sa kanyang van na nakasama na niya ng halos apat na taon sa iba’t ibang lugar at sa kanyang trabaho bilang isang artista.

error: Content is protected !!