Connect with us

Entertainment

Aktres at Vlogger na si Ivana Alawi, Enjoy na Enjoy sa Kanyang Bakasyon sa “The Farm” sa Batangas Kasama ang kanyang Pamilya

Matapos ang mahabang panahong pananatili sa loob ng tahanan, sa wakas ay makakapagbakasyon na rin ang aktres at vlogger na si Ivana Alawi kasama ang kanyang pamilya. At para sa unang out of town ng kanyang pamilya, ay pinili nilang magbakasyon sa napakagandang resort na “The Farm” sa San Benito sa Lipa, Batangas.

At upang ipasilip ang kanilang masayang bakasyon, ay nag-vlog si Ivana. Ito nga ang kauna-unahang family out of town vlog na kanyang ibinahagi sa kanyang Youtube channel noong ika-ng Enero 2021.




Sa unang bahagi ng video, mapapanood ang masayang sa Ivana, dahil sa wakas ay makakasagap na sila ng sariwang hangin at makakakita ng magandang tanawin. Ayon nga rito, ay ito ang unang family out of town vlog niya, dahil kadalasan nga ay sa loob lang ng kanilang tahanan ang mga vlog na kanyang ginagawa na kasama ang kanyang pamilya.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Kasama rin ng pamilya ni Ivana, ang kanyang pamangkin na si Gab na anak ng kanyang kapatid na si Amira Alawi. Makikita na pagsapit sa resort ay nagpahinga muna ang pamilya, kung saan ay humigop ng mainit na kape habang nakatanaw sa ganda ng tanawin ng resort.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Nag-ala “Dora the Explorer” naman si Ivana at may hawak pang mapa ng resort nang ipasyal ang kanyang mga tagahanga sa napakagandang resort. Unang pinuntahan ng magkakapatid na Ivana, Hashim at Mona ang Healing Sanctuary. Agad naman silang umalis sa lugar matapos makita ang ganda nito. At sa daan naman ay nakasalubong ng magkakapatid ang tatlong peacock kung saan ay nakipagkulitan pa si Ivana.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Matapos nito, ay nagtungo naman sila sa Alive Restaurant upang magkaroon ng masarap na pananghalian. Ang kanilang ina naman, ay pina-deliveran na lamang ni Ivana ng pagkain. Makikita naman na enjoy na enjoy ang magkakapatid habang kumakain.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube




Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Sa huling bahagi naman ng video, ay makikita na ginupitan pa ni Ivana ang buhok ng kanyang pamangking si Gab.

Hindi naman maikakaila na sa unang beses na paglabas ng pamilya ni Ivana sa kanilang tahanan upang magbakasyon, ay talagang nag-enjoy ang lahat. Sa kanilang masayang bonding at mga nakakaaliw na kulitan ay tiyak na magsisilbing isang masayang alaala.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Ang vlog na ito ni Ivana, ay muli na namang naghatid ng saya sa kanyang mga tagahanga. Lalo na’t napakamasayahin ni Ivana, samahan pa ng kanyang pamilya na talaga namang nagbibigay rin ng saya sa mga manonood. At ngayon nga, ay nasa 2.9 million views ang kanyang vlog.

error: Content is protected !!