Connect with us

Entertainment

Aktres at Vlogger na si Ivana Alawi, Binigyang Kasiyahan ang Kanyang Mama Alawi Matapos Surpresahin sa Pagdiriwang ng Mother’s Day

Isang espesyal na araw ang naganap noong ika-9 ng Mayo para sa mga nagsisilbing ilaw ng tahanan, ang Mother’s day. Ang araw na ito ay inilaan para bigyang pugay at pasalamatan ang ating ina na nagluwal sa atin sa mundong ibabaw. Hindi nga matutumbasan ang sakripisyo at pagmamahal ng isang ina sa kanyang pamilya.

Kaya naman, ang aktres at vlogger na si Ivana Alawi ay hindi nakaligtaang pasalamatan at iparamdaman ang kanyang pagmamahal sa kanyang Mama Alawi sa pamamagitan ng isang munting surpresa.

Sa latest vlog na ibinahagi ni Ivana sa kanyang Youtube Channel nito lamang ika-11 ng Mayo, ay ipinasilip niya kung paano niyang binigyang kaligayahan at sinurpresa ang kanyang Mama Alawi sa pagdiriwang ng Mother’s day. At upang mas lalong mapasaya ang kanyang ina, ay kasama rin ni Ivana ang mga kapatid na si Hashim at Mona.

Sa unang bahagi ng video, ay ipinaabot naman ni Ivana ang kanyang pagbati sa mga ilaw ng tahanan, lalo na nga sa mga single mom na tulad ng kanyang ina. Malaki ang paghanga ni Ivana sa mga single mom lalo na nga’t nakita niya ang sakripisyo ng kanyang ina para mapalaki silang magkakapatid ng maayos.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Ipinakita naman ni Ivana kung paano niya inihanda ang magiging venue ng kanilang simpleng selebrasyon. Nilinis at inayos nga ni Ivana sa tulong ni Hashim ang isang lugar malapit sa swimming pool, na tila nga isang picnic ang set up nito.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Samantala, dahil nga ang espesyal na araw ito para sa kanyang Mama Ivana, ay inayusan rin ni Ivana ang kanyang ina na talagang napakaganda sa hair and make up nito.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

At nang handa na nga ang lahat ay dinala ni Ivana ang kanyang ina sa pool area habang nakasuot ng blindfold. Tatlong surpresa naman ang inihanda ni Ivana para sa kanyang Mama Ivana. Una nga, ay ang napakagandang bouquet of flowers na may disenyong gold at diamond na ayon kay Ivana, ay paborito ng kanyang ina.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Si Hashim ang may hawak ng napakagandang bouquet of flowers, samantalang si Mona naman ang may hawak na cake. Agad namang napangiti at nagpasalamat si Mama Alawi nang masilayan ang inihanda ng kanyang mga anak. At nasambit nga na talagang napakapalad niya sa pagkakaroon ng mababait at mapagmahal na mga anak.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Nang mga panahon namang iyon, ay may sakit si Mona ngunit hindi ito naging hadlang para mabati at makasama ang kanyang ina sa espesyal na araw na ito.

Matapos naman ang mahigpit na yakap at halik na ipinagkaloob ni Mama Ivana sa kanyang mga anak, ay magkakasalo na silang kumain. Ito nga ang pangalawang supresa ni Ivana kung saan inihanda niya ang mga paboritong pagkain ng kanyang Mama Alawi.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Labis namang natuwa si Mama Alawi sa pangatlong surpresa. Ito nga ay isang napakacute na asong French Bulldog na kulay blue na ayon kay Ivana ay gustong-gusto ng kanyang ina. At tulad ng inaasahan, ay agad na kinarga ni Mama Alawi ang aso nang makita ito.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Labis nga ang pasasalamat ni Mama Alawi sa kanyang mga anak, dahil talagang ramdam na ramdam niya ang Mother’s day. Tunay nga na maayos na napalaki ni Mama Alawi ang kanyang mga anak. Kaya naman, talagang makikita na mabubuti at mapagmahal na mga anak ang kanyang kasama ngayon sa loob ng tahanan.

Hindi rin nakalimutang batiin ni Ivana ang kanyang Ate Amira na may sarili ng pamilya at isa na ring ganap na ina ngayon. Makikita nga sa huling bahagi ng video na dinalaw ito ni Ivana at dinalhan pa ng bouquet of flowers..

error: Content is protected !!