Connect with us

Entertainment

Aktres at Vlogger na si Ivana Alawi, Binigyan ng Maagang Pamasko ang mga Taong Kalye Sa Pagdiriwang ng 10 Million Subscribers sa Kanyang YouTube Channel

Magandang mukha, seksing katawan, at may angking talento. Sino ba naman ang hindi hahanga sa katangiang taglay na ito ng aktres at vlogger na si Ivana Alawi. Kilala nga si Ivana ng lahat, kaya naman, kahit saanmang dako siya magpunta, ay talagang hinahangaan siya.

Ngunit, hindi lamang ito ang kahanga-hanga kay Ivana, dahil bukod sa kagandahan ng panlabas niyang anyo, ay higit namang hahangaan ang laman ng kanyang puso sa taglay na kabutihan.




Kamakailan nga, ay nag-uumapaw na biyaya ang natanggap ni Ivana dahil ang kanyang subscriber sa kanyang YouTube Channel ay umabot na ng 10 Million sa loob lamang ng 14 months. At upang ipagdiwang, ay ibinalik niya ang pasasalamat sa pamamagitan ng pamamahagi ng tulong sa mga taong walang tahanan at sa kalye namamalagi.

Photo credits: Ivana Alawi | Instagram

Isang maagang pamasko ang ipinagkaloob ni Ivana sa mga taong lansangan. Imbes nga na magkaroon ng engrandeng selebrasyon upang ipagdiwang ang tagumpay niya bilang Youtuber, ay mas pinili ni Ivana na itulong na lamang ito sa mga taong mahihirap.

Sa kanyang vlog, noong ika-13 ng Disyembre na mapapanood sa kanyang Youtube Channel, masayang ibinahagi ni Ivana ang kanyang pamamahagi ng tulong sa mga taong kalye.

Photo credits: Ivana Alawi | Instagram

Mas pinili ng vlogger na basket ng grocery, prutas at P10,000 cash ang ipamahagi. May kasama rin itong scholarship mula naman sa produktong iniindorso ni Ivana, na ipapamahagi naman sa mga netizens. Ito ay dalawang taong pag-aaral ng kahit anong BS course para sa mga mamamayan ng Maynila, dahil sa Maynila lamang ang paaralan na maaari nilang pasukan.

Photo credits: Ivana Alawi | Instagram

Makikita sa video na namili muna si Ivana ng maraming basket ng masasarap na pagkain tulad ng ham, chocolate, palaman at juice. May kasama ring bigas at prutas ang ipapamahagi ni Ivana. Ayon nga kay Ivana, ay nais niyang matikman ng mga mahihirap ang masarap na pagkain ngayong pasko. Nais ng vlogger, na maranasan rin ng kanyang pagbibigyan ang saya at diwa ng pasko.




Photo credits: Ivana Alawi | Instagram

Matapos nga mamili at maisaayos ang bawat basket, ay agad na nagtungo sa lansangan ni Ivana. Bawat makita ni Ivana na taong kalye, na walang tirahan ay agad niyang inaabutan ng basket ng grocery, prutas at cash na P10,000. Hindi nga halos maipinta ng mga nakatanggap ang kanilang reaksyon sa maagang pamasko ni Ivana.

Photo credits: Ivana Alawi | Instagram

Walang pagsidlan ng kaligayahan ang mga ito, at labis-labis ang pasasalamat kay Ivana sa maagang pamasko na ipinagkaloob sa kanila. Kahit nga, simpleng paraan ang ginawa ni Ivana, hindi naman maikakaila na napakalaking tulong na nito para sa mga taong lansangan na kanyang inabotan ng tulong.

Photo credits: Ivana Alawi | Instagram

Tunay nga na sadyang napakabuti ng kalooban ni Ivana. Isang magandang halimbawa para rin sa mga katulad niyang vlogger, na ang perang kinikita bilang vlogger ay ipimamahagi sa mga taong nangangailangan.

error: Content is protected !!