Connect with us

Inspiring

Aktres at Vlogger na si Alex Gonzaga at Fiancee Nitong si Mikee Morada, Nagsisimula Nang Magpatayo ng Sarili Nilang Bahay

Ang aktres at vlogger na si Alex Gonzaga, ay marami nang pinasaya at binigyan ng kaligayahan sa kanyang mga nakakaaliw na videos na napapanood sa kanyang YouTube Channel. Napakamasayahing tao ni Alex, at hindi maikakaila na malaki ang naitutulong niya sa kanyang mga manonood upang makalimutan sa maikling sandali ang mga problema sa buhay.




At tulad naman ng mga tagahanga ni Alex, ay may nagbibigay rin ng saya at kulay sa buhay niya. Ito nga ang kanyang fiancee na si Mikee Morada na hindi maitatanggi ang pagsinta kay Alex.

Noong nakaraang taon, buwan ng Disyembre, nang mag-proposed si Mikee kay Alex habang masaya silang nagbabakasyon sa Hongkong kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ni Alex. At ang masayang kaganapang ito sa buhay ng dalawa, ay masayang inilahad ni Alex sa publiko kung saan ay proud na ipinakita ang suot na napakaganda at kumikinang na engagement ring.

Photo credits: Alex Gonzaga | Instagram

Tila nga natagpuan na ng mag-fiancee ang pag-ibig sa isa’t isa. Kamakailan rin lang nang masaya nilang ipagdiwang ang kanilang apat na taong anibersayo.

Samantala, hindi pa man nagaganap ang kasalang Alex at Mikee, ay pinaghahandaan na ng mag-fiancee ang kanilang future. Kamakailan nga, ay masayang ibinahagi ni Alex na nagsisimula na nilang itayo ang magiging tahanan nila pagdating ng panahon.

Sa isang Facebook post, isinaad ni Alex na nagsisimula na ang pagdedemolished sa isang lumang bahay kung saan itatayo ang kanilang bago at sariling bahay na magsisilbi nilang tahanan.

“We are halfway done demolishing to build our new and future home.”

Humingi rin si Alex ng patnubay at gabay sa Diyos, upang maging maayos ang landas na tatahakin sa kanilang buhay.




“Lord please help and guide us. Many are the plans in a man’s heart, but it is the Lord’s purpose that prevails.”

Photo credits: Alex Gonzaga | Instagram

Agad namang umani ng papuri at paghanga mula sa mga netizens ang napakagandang plano at paghahanda sa hinaharap nina Alex at Mikee.

“You are each other’s home! 🥰 so happy for you ate and kuya!! This home will soon be filled with love, happiness and abundance of blessings.”

“Congrats to the both of you Ms. Alex and Mr. Mikee or soon to be Mr. And Mrs. Morada! You and your family are greatly blessed.”

error: Content is protected !!