Connect with us

Entertainment

Aktres at TV Host na si Karla Estrada, Proud na Proud sa Kanyang Anak na si Magui Ford Matapos Makapasok sa Tinaguriang Top 1 na Unibersidad sa Australia

Wala ng hihigit pa sa saya ng isang magulang kapag nakita nila na maayos at maganda ang buhay ng kanilang anak. Hangad nga ng mga magulang na mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak, kaya naman ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya.

At isa sa pinakamahalagang bagay na magsisilbing tulay sa magandang kinabukasan, ay ang edukasyon. Ang makitang nagsusumikap sa pag-aaral ang mga anak, upang maabot ang kanilang pangarap, ay isa ng napakagandang gantimpala para sa mga magulang.

Kaya naman ang taglay na talino at kasipagan sa pag-aaral ng mga anak, ay hindi maikakaila na nagbibigay ng saya at kaligayahan sa mga magulang. Hindi nga matawaran ang saya ng aktres at TV host na si Karla Estrada, dahil labis niyang ipinagmamalaki ang kanyang anak na si Magui matapos nitong makapasok sa kilala at tinaguriang Top 1 na unibersidad sa Australia, ang Melbourne University.

Si Margaret Fiona Ford Planas ay anak ni Karla sa dating Quezon City councilor na si Mike Planas. Siya ay isinilang ni Karla noong Pebrero 18 2002, at ngayon nga ay 19 taong gulang na. Bukod nga sa sadyang napakaganda ni Magui, ay hindi maikakaila ang taglay niyang katalinuhan.

Dahil nga sa tagumpay na nakamit ni Margui, ang makapasok sa kilalang university sa Australia, ay talagang ipinagmalaki ni Karla ang kanyang anak. Sa Instagram, ay isang nakakaantig na mensahe ang ipinaabot ni Karla sa kanyang anak. Sa mensahe nga ni Karla ay mababakas kung gaano siya kaproud sa narating na tagumpay ni Magui.

Sa nasabi ring mensahe ay binigyang-diin ni Karla na nakasuporta siya sa nais ng kanyang anak, at handa niyang gabayan ito anuman ang landas na nais nitong tahakin sa buhay. Maliban naman sa nakakaantig na mensahe ni Karla, ay kalakip rin ang email na mula sa Melbourne University, na nagpapatunay na nakapasok nga ito sa kilalang university.

Agad namang umani ng papuri at paghanga si Magui, mula sa mga netizens at kaibigan ng aktres sa showbiz, na kung saan nagpaabot rin ng pagbati sa tagumpay na nakamit ni Magui. Kabilang na rito sina KC Concepcion, Anne Curtis, and Marjorie Barretto.

Isa ngang proud mommy si Karla sa kanyang anak na si Magui, na hindi lamang nga maganda kundi matalino rin. Isa ngang beauty and brains si Magui na karapat-dapat naman talangang ipagmalaki ni Karla.

error: Content is protected !!