Entertainment
Aktres at Komedyanteng si Gladys Guevarra, Naging Madiskarte Ngayong Panahon ng Pandemya, Nagtitinda na rin ng Kakanin

Hindi nga biro ang epektong dulot ng pandemyang kinakaharap ng sambayanang Pilipino ngayon. Dahil nga sa krisis na ito, marami ang nawalan ng hanap-buhay at trabaho. Kaya naman, kanya-kanya na ring isip ng alternatibong pagkakakitaan ang bawat-isa upang may perang pantutos sa mga pangangailangan ng kani-kanilang pamilya sa araw-araw.
Sa pagharap nga sa matinding krisis na ito, masusubok ang tamang diskarte at pagsusumikap ng bawat-isa upang kumita ng pera. Dahil nga, sa halos ilang buwan ng hindi bumabalik sa normal ang industriya ng bansa, halos wala na ring natitira sa mga ipon ng mga mamamayan. Kaya naman, ang bawat sandali ay hindi pinapalampas upang makapag-isip at makagawa ng paraan upang kumita ng pera.
Sa panahon nga ng krisis ay naging madiskarte ang aktres at komedyanteng si Gladys Guevarra. Dahil nga, apektado rin ng komedyante ng pandemya matapos magsara ang pinapasukang comedy bar ay naghanap ng alternatibong pagkakakitaan si Gladys. Sa Klownz at Zirko na pagmamay-ari ng Kapuso Host-Comedian na si Allan K nagtatanghal si Gladys bilang host at komedyante sa mga show nito. Ngunit, sa pagdating nga ng krisis ay natigil siya sa trabaho.
At ang napiling pasuking negosyo ni Gladys ay ang pagtitinda ng kakanin. Ilan nga sa mga masasarap na lutong kakanin na ibinibenta niya sa kanyang mga kustomer ay chesse puto, palitaw yema at salted eggs. Ang pinagkakakitaan ngang ito ngayon ng komedyante habang nasa gitna ng pandemya ay hindi niya ikinakahiya bagkus ay labis niyang ipinagmamalaki dahil sa kabila ng nararanasang hirap sa gitna ng krisis ay nagagawa niya pa ring kumita ng pera.
Kaya naman, nang ibahagi ni Gladys sa kanyang Facebook account ang bago niyang pinagkakaabalahan at pinagkakakitaaan ngayong pagtitinda ng kakanin, ay umani ito ng mga positibong komento at reaksyon mula sa mga netizens. Dahilan upang mas lalo pa siyang ganahan sa pagluluto at pagtitinda ng mga masasarap na kakanin.
Ngunit, may ilan namang nagpahayag ng negatibong komento na kung saan ay hindi halos makapaniwala na ang isang artistang gaya ni Gladys ay nagtitinda na ngayon ng kakanin.
“Ha?! Eh di ba artista ka? Bakit ka nagtitinda ng Palitaw?”
Hindi naman nagpatinag rito si Gladys, at hindi siya nagdalawang isip na sagotin ito.
“Weh ano naman ngayon ate, naisip mo pa yun? Ang requirements ba sa pagtitinda, kailangan hindi artista?”
