Connect with us

Entertainment

Aktor na si Romnick Sarmenta, Magiging Daddy na Ulit! Kasintahan nitong si Barbara Rauro, Limang Buwang ng Buntis

Isang magandang balita ang inanunsyo ng batikang aktor na si Romnick Sarmenta sa Instagram nitong Octubre 11, araw ng Linggo. Ito nga ay patungkol sa nalalapit niyang pagiging daddy ulit sa panganay na anak nila ng kanyang kasintahan na si Barbara Rauro, isang indie film actress.

Wala ngang pagsidlan ng kaligayahan ang aktor sa biyayang ibinigay sa kanila kaya naman labis labis ang kanyang pasasalamat. Sa Instagram ni Romnick, nagbahagi ang aktor ng larawan ng pregnancy test kit kung saan makikita ang dalawang guhit na kulay pula. Patunay na isang positibong resulta ang makikita sa pregnancy test.




Nilakipan naman ito ng aktor ng caption na:

“I B A Infinitely Blessed with Your Affirmation Iba Ka Panginoon, maraming salamat Po 🥰 #alwaystogether🤍”

Sa Instagram naman ng kanyang kasintahang si Barbara, ay dalawang pregnancy test kit naman ang ibinahagi nito. At katulad ng post ng aktor, makikita rin dito ang dalawang guhit na kulay pula. Labis rin ang pasasalamat ng aktres sa nalalapit na pagdating ng kanilang “Little Bean” sa Pebrero sa susunod na taon. At base sa post ng aktres, nangangahulugan na limang buwan na ang kanyang ipinagbubuntis. Pinasalamatan rin ni Barbara ang kanilang mga kaibigan na walang sawang nagpapaabot ng suporta sa kanila.

“Thank You, dear God, for the gift of life! The cross that appeared on my test and this miracle as a whole is Your loudest yet most comforting affirmation. I praise and thank You for my Nicko, as well as all our friends and families who have expressed and continue to show their love and undying support. See you on February, Little Bean.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Barbara Ruaro (@bieruaro) on

Samantala, matatandaan na unang pinag-usapan ang relasyon nina Romnick at Barbara noong 2019, at nitong Hunyo 21 lamang kinumpirma ni Romnick ang estado ng relasyon nilang dalawa. Ito nga ay matapos magpost ng aktor sa Instagram ng larawan nilang dalawa na makikitang sweet na sweet sa isa’t isa.

Ikwinento naman ng aktor sa hiwalay na Instagram post kung paano sila nagkakilala ni Barbara. Ayon nga rito, ay nagkakilala sila sa pagsisimula ng taong 2019 sa trabaho, hanggang sa naging magkaibigan umano bago matapos ang taon. At sa huli nga, ay nahulog na sa isa’t isa.




Pagbabahagi naman ni Romnick, alam ng kanyang mga anak kung ano ang relasyon niya kay Barbara. At wala naman umanong may tutol sa mga ito. Katunayan nga nito, ay maayos naman ang kumonikasyon nilang mag-aama.

Si Romnick ay may limang anak sa dati niyang asawa na si Harlene Bautista, isang dating aktres at film producer, na ngayon ay isa ng businesswoman. Taong 2018 naman ng kumpirmahin ng dalawa ang kanilang paghihiwalay matapos ang 19 na taong pagsasama bilang mag-asawa. Sa kabila nito, ay nananatili paring legal ang kasal ng dalawa.

error: Content is protected !!