Connect with us

Entertainment

Aktor na si Rocco Nacino, Ipinasilip ang kanyang Napakagandang Bahay, Nagpakabit din ng mga Solar Panels

Isa nga mga suliraning kinakaharap ng marami sa atin lalo na pagsapit ng katapusan ay ang mga bayarin. At ang pinakamahalagang dapat nating bayaran ay ang bill ng kuryente. Dahil na rin sa mahabang oras na papanatili sa loob ng bahay, ay hindi natin maiwasan na gumamit ng mga appliances, at ibang gamit na pinapagana ng kuryente dahilan nga ng pagtaas ng kunsumo ng kuryente, na ang kahulugan rin ay mataas na bill ng kuryente ang dapat bayaran.

At ngayon nga, ay may alternatibo ng paraan para mapababa ang kunsumo ng kuryente sa ating mga tahanan. Kaya naman, ang aktor na si Rocco Nacino ay hindi nagdalawang isip na mag-invest sa nauuso ngayong pagpapakabit ng Solar Panels.

Photo credits: Rocco Nacino | Youtube

Isa naman itong napakagandang investment dahil nga, matagal mo naman itong mapapakinabangan. Tiyak na hindi ka bibiguin ng magandang investment na ito na makatipid sa kunsumo ng kuryente. Kaya naman, ang good at long-term investment na ito ay agad na inavail mismo ni Rocco kung saan nga ay kanyang ipinasilip sa kanyang vlog ang pagpapakabit ng solar panels at ilang detalye patungkol dito.

Photo credits: Rocco Nacino | Youtube

Ang aktor na si Rocco ay isang masipag at mahusay na aktor sa industriya ng showbiz. Kaya naman, hindi na nakapagtataka na nakapagpundar siya ng isang napakagandang bahay na bunga ng kanyang pagsisikap bilang artista. At sa laki ng bahay na ito ni Rocco, ay malaki rin ang binabayaran niyang bill ng kuryente kada buwan. Kaya naman, naisip niya na mag-invest sa solar panels para mabawasan ang kanyang binabayarang bill ng kuryente. Maliban rito, ay malaki rin ang pagpapahalaga ni Rocco sa kalikasan, kung kaya’t isa rin sa dahilan niya sa pagpapakabit ng solar panels ay ang makatulong sa Mother Earth.

Photo credits: Rocco Nacino | Youtube

Sa nasabing vlog naman ni Rocco, ay nais naman niyang magbigay ng kaalaman sa kanyang mga viewers kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng solar panels sa bahay, lalo na nga kung malaki ang bahay at maraming ginagamit na appliances.

“It’s because we want to spread awareness para sa mga tao, that we should be part or take apart in helping the Earth get free energy at hindi tayo gumagastos”.

Photo credits: Rocco Nacino | Youtube

Makikita naman sa vlog na ibinahagi ni Rocco na 13 solar panels ang kanyang ipinakabit sa bubong ng kanyang bahay. Ayon naman kay Rocco, ay matagal na niyang pangarap na magkaroon ng solar panel ang kanyang naipundar na bahay. At ang pangarap nga na ito, ay naisakatuparan sa tulong ng isang German Solar Panel company.

Photo credits: Rocco Nacino | Youtube

Masayang-masaya naman si Rocco dahil ngayon palang ay nakikita na niyang maeenjoy niya ang paggamit ng kuryente ng walang masyadong iniisip na bayarin o paglaki ng bill ng kuryente kahit pa dumami ang kanyang mga appliances at gadgets sa loob ng kanyang bahay.

error: Content is protected !!