Connect with us

Entertainment

Aktor na si Randy Santiago, Ibinahagi kung Bakit nga ba Hindi niya Inaalis ang kanyang Sunglasses at kung ano nga ba ang Nangyari dito

Kilala ang aktor, komedyante at singer na si Randy Santiago sa tunay na buhay bilang si Randy Gerard Legaspi Santiago. Isa siya sa kilalang artista sa mundo ng showbiz kung saan ay talagang ipinamalas ang kanyang husay.

Si Randy Santiago ay anak ng film director na si Pablo Santiago at aktres na Cielito Legaspi. Tila naman nasa dugo na talaga ng kanyang pamilya ang pag-aartista dahil ang dalawa niyang kapatid na sina Rowell Santiago at Raymart Santiago ay pinasok rin ang showbiz.

Isa ring mahusay na singer si Randy na taglay ang magandang tinig at ilan sa kanyang mga pinasikat na kanta ay ‘Babaero at Hindi Magbabago’. Noong 1998 ay mas lalo siyang sumikat nang maging co-host ng Magandang Tanghali Bayan na pinangtapat sa Eat Bulaga.

Photo credits: randysantiago | IG

Ilang ulit na rin siyang napanood sa pelikula at telebisyon, hanggang sa kasalukuyan nga ay napapanood parin siya ng publiko. Samantala, madalas makitang nakasuot ng sunglasses si Randy kahit pa nasa loob ng studio o sa kahit anong show sa telebisyon. Tila nga ang di pag-aalis ng sunglasses ng aktor, ay naging trademark na niya upang makilala siya ng publiko.

Dahil nga, isa siyang sikat na artista ang pagsusuot niya ng sunglasses ay ginaya ng marami ngunit napansin nga na hindi talaga inaalis ni Randy ang pagsusuot ng sunglasess. Lingid nga sa kaalaman ng publiko, ay may malalim na dahilan pala si Randy kung bakit hindi siya nag-aalis ng sunglasses.

Sa mga nagtatanong at nais malaman ang dahilan sa likod ng pagsusuot ng sunglasses ni Randy Santiago, ay kanya na itong ibinunyag sa publiko nang minsang makapanayam sa programang Magandang Buhay. Kwento nga ni Randy, ay mali ang inaakala ng iba na nahulog siya sa motorsiklo dahil ang tunay na nangyari sa kanyang mata ay nagkaroon siya ng cyst sa mata niya noong grade 2 siya na kailangang operahan.

“Gusto niyong malaman ang tunay na nangyari sa mata, ito totoo kasi yung iba akala nila nahulog ako sa motorsiklo. Ang totoong nangyari sa mata ko, noong grade 2 ako nagkaroon ng cys𝔱 yung buk𝔬l sa may taas ng mata ko so the very first operati𝔬n okey naman so kailangan ko umulit ng grade 2.”

Photo credits: randysantiago | IG

Dagdag pa ni Randy, ay bumalik ang cyst at kailangan na namang operahan at dito na nga nagkaroon ng problema kung saan hindi na niya gaanong naibubuka ang kanyang mga mata.

“Tapos lumabas na naman yung cyst so inoperahan na naman. Dun nadale yung parang pang kurtina yung pang bukas sa kurtina, yun yung parang nadale nung Doktor kaya hindi na bumaka ng, bumubuka pa naman kahit papano.”

Photo credits: randysantiago | IG

Hindi naman nawala ang kanyang pagiging komedyante sa tuwing may nagtatanong tungkol sa kanyang mats at pabiro itong sinasagot ng aktor.

“Kaya pag tinatanong nila, ano yang mata mo 20-20 ba yan, hindi 20-10.”

Samantala, sa kabila ng kinakaharap na problema kanyang mata, ay malaki ang pasasalamat ni Randy dahil hindi niya naranasang ma-bully ng kanyang mga kaklase noon. Nang mga panahon na iyon, ay hindi pa siya nagsusuot ng shades kaya naman mapalad si Randy dahil mababait ang kanyang mga kaklase at maganda ang trato sa kanya noong nag-aaral pa siya.

Photo credits: randysantiago | IG

Mapalad rin si Randy dahil natagpuan niya ang isang babae na mahal na mahal siya at tanggap ang buo niyang pagkatao sa katauhan ni Marilou Coronel. Biniyayaan ng tatlong anak ang kanilang masayang pagsasama.

Sa ngayon ay abala si Randy sa kanyang career bilang host ng Philippine singing reality game show sa TV5 na Sing Galing! kung saan kasama niya ang mahuhusay na singer at TV host na sina K Brosas at Donita Nose.

error: Content is protected !!