Connect with us

Entertainment

Aktor na si JC Santos, Hinangaan Dahil sa Pagiging Hands-on Daddy sa Kanyang Napakacute na Anak na si Baby River

Ang mga ina ang kadalasang nagiging malapit sa kanilang mga anak, dahil sila ang nag-aalaga at nag-aasikaso sa mga bata. Ngunit, hindi rin naman magpapahuli ang ilang tatay ng tahanan pagdating sa bonding moments at pagiging hands-on sa kanilang mga anak.

Katulad na lamang nga ng aktor na si JC Santos, na sa kabila ng pagiging abala sa trabaho, ay hindi naman nagkukulang na magkaroon sila ng masayang bonding at maging isang hands-on daddy sa kanyang anak na si River Altheia.

Photo credits: JC Santos | IG

Hindi lamang isang mahusay na aktor si JC sa mga pelikula, kundi isa ring responsableng ama sa anak nila ng kanyang non-showbiz na asawa na si Shyleena Herrera. Buwan ng Enero noong nakaraang taon nang gulatin ni JC Santos ang publiko na siya ay ikinasal na sa kanyang highschool crush na si Shyleena Herrera noong Setyembre 2019.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JC Santos (@j.c.santos)

Kasabay nito, ay ang pagbunyag rin ni JC na sila ay magkakaanak na. At nang isilang nga ni Shyleena ang kanilang panganay na anak, ay nakasubaybay na ang mga tagahanga sa kanyang buhay. Magmula sa pagiging abala sa trabaho, ngayon nga ay isa na ring hands-on daddy si JC sa kanyang napakacute na anak na si Baby River.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JC Santos (@j.c.santos)

Madalas na ring magbahagi ng mga larawan ng kanyang anak si JC sa kanyang social media account. Makikita nga na halos mapuno na ng napakacute na larawan ni Baby River ang Instagram account ng aktor. Maging ang kanilang masayang bonding moments at pagiging isang hands-on daddy, proud na ibinabahagi ni JC sa kanyang mga tagahanga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JC Santos (@j.c.santos)

Makikita nga na kahit may ginagawa ang aktor, ay binabantayan parin niya si Baby River. Hindi naman maikakaila na talagang mahal na mahal niya ang kanyang mag-ina. Makikita rin napaka-sweet ni JC sa kanyang asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JC Santos (@j.c.santos)

Samantala, marami naman sa mga netizens ang humanga sa napakacute na si Baby River. Nakakagigil naman talaga ang cute at maamo nitong mukha na sinamahan naman ng kulot na buhok. Ang mga mata naman ng munting bata, ay tila bituing nagnining at palaging nakangiti. Talagang mabibihag ang sinuman sa kacutan ni Baby River, na hindi maikakaila na namana niya ang taglay na katangian sa kanyang mga magulang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JC Santos (@j.c.santos)

Kahanga-hanga naman si JC, dahil sa kanyang pagiging isang butihing asawa at ama sa kanyang mag-ina na kung saan ay mahal na mahal niya. Isang tunay na uliran at responsableng haligi ng tahanan ng kanyang pamilya.

error: Content is protected !!