Connect with us

Entertainment

Aktor Na Si Jason Abalos, Ibinahagi Ang Planong Pagpapatayo Ng Farmhouse Sa Nueva Ecija Para Sa Magiging Pamilya Nila Ng Kanyang Nobyang Si Vickie Rushton

Kasabay ng matagumpay na karera ng aktor na si Jason Abalos ay ang kanyang makulay na love life sa piling ng kanyang nobyang beauty queen na si Vickie Rushton. At sa loob nga ng ilang relasyon ay tila nga handa na silang lumagay sa tahimik. Sa mga naging panayam nga kay Jason, ay matatandaan na ilang ulit nabanggit ng aktor ang tungkol sa nalalapit nilang pagbuo ng sariling pamilya.

Photo credits to the owner

At para nga sa pagbuo ng kanilang sariling pamilya ay isa nga sa kanilang pinaghahandaan ay ang kanilang magiging tahanan. Kamakailan lamang nga, ay marami ang natuwa matapos ibahagi ni Jason ang planong pagpapatayo ng farmhouse para sa kanila ni Vickie sa probinsya mismo ng aktor sa Nueva Ecija.

Photo credits to the owner

Si Jason ay lumaki sa kanyang probinsya sa Nueva Ecija sa bayan ng Pantabangan. At bilang isang tagaprobinsya ay naisipan nga ng aktor na sa pagbuo ng kanilany sariling pamilya ay dito nila ipatayo ang kanilang magiging tirahan. Minsan na ring ibinahagi ng aktor sa isang panayam na matagal nang pangarap ni Vickie ang manirahan sa probinsiya. Kung hindi nga isang beach house, ay isang farm house ang nais nitong maging tahanan para sa kanilang pamilya.

Photo credits to the owner

“Lagi kami nangangarap na magkaroon kami ng beach house o kaya ng farm lot na para doon kami bumuo ng pamilya.”

Kwento pa ng aktor, ay may natanggap siyang lupain na pamana ng kanyang lolo at nais niya itong i-develop. Ayon pa nga sa aktor, ay mas magandang manirahan sila sa probinsiya kung saan simple lamang ang pamumuhay.

Photo credits to the owner

“Meron kasi ako dun na parang gusto [ko] i-develop na pamana pa sa’kin ng Lolo ko. Sabi ko, mas maganda ka ‘ko na, ‘yung ating bahay, as nature. Mas magandang dito mo papalakihin yung mga anak natin, na sanay sa mga alagang hayop, sanay sa mga halaman, sila yung magtanim ng mga gulay,’”

Photo credits to the owner

Maging ang kanyang kasintahan na si Vickie ay malaki rin ang kagustuhan na sa probinsya nila ipatayo ang kanilang magiging tahanan para sa kanilang pamilya. At ngayon nga, ang matagal nilang pinapangarap na farm house ay malapit nang maisakatuparan.

Photo credits to the owner

Kamakailan lamang nga, ay ibinahagi ni Jason sa kanyang Instagram ang larawan ng lupang ipinamana sa kanya at disenyo ng kanilang ipapatayong bahay. Hindi naman maikakaila sa mga larawan na handa na nga silang dalawa. At ayon pa sa caption ng akktor sa kanyang post, ay magiging katuwang niya sa pagpapatayo ng farmhouse ang kanyang kasintahan na si Vickie.

Photo credits to the owner

“Magiging katulong ko ang lotustoolsph para mabuo namin ni vimrushton ang aming magiging farm house. Kung gusto nyo kami samahan para makita kung ano kakalabasan, kita kits sa youtube account ko.”

Tila nga hindi na mapigilan pa ang magkasintahang Jason at Vickie sa pagtupad ng kanilang pangarap para sa pagbuo ng kanilang sariling pamilya. Kaya naman, kapag natapos na nila ang pagpapatayo ng farm house, ay tiyak na masaya ang kanilang magiging buhay dito kasama ang kanilang mga anak.

error: Content is protected !!