Connect with us

Entertainment

Aktor Na Si Iñigo Pascual, Pinatunayan Ang Pagiging Isang Mabuti At Mapagmahal Na Ama Ni Piolo Pascual

Sa matagumpay na karera na tinatamasa ng aktor na si Piolo Pascual, ay hindi na nga nakapagtataka kung isa siya sa mga artistang sinusubaybayan ng marami. Sa taglay niyang kagwapuhan at natatanging galing sa pag-arte ay talaga namang nakatutok sa kanya ang spot light.

Photo Credits: Iñigo Pascual | IG

Dekada 90 nang magsimula si Piolo sa kanyang karera sa showbiz. Nasaksihan nga ng kanyang mga tagahanga ang kanyang husay pag-arte kung saan, ay nakatanggap siya ng mga parangal na nagpapatunay ng kanyang talento.

Photo Credits: Iñigo Pascual | IG

Maliban naman sa pagiging isang mahusay na artista, ay hindi na rin lingid sa kaalaman ng marami na isa siyang ama sa kanyang anak na si Iñigo Pascual. Si Iñigo ay isa ring aktor, at kilala rin bilang isang mahusay na singer sa industriya ng showbiz. Ngunit, sa tagal namang pagiging ama ni Piolo kay Iñigo ay hindi pa nasisilayan ng publiko kung paano bilang isang ama ang aktor sa kanyang anak.

Photo Credits: Iñigo Pascual | IG

Kaya naman, sa pagsapit ng ika-45 taong kaarawan ni Piolo nito lamang ika-12 ng Enero ay pinatunayan ng kanyang na anak na si Iñigo ang kanyang pagiging isang mabuti at mapagmahal na ama. Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni Iñigo ang magandang relasyon nila ng kanyang ama kalakip ang mga larawan na kuha sa masaya nilang bonding.

Photo Credits: Iñigo Pascual | IG

“Happy Birthday to my father! I chose these photos that show how you are as a father, that people don’t usually get to see,” pagbati ni Iñigo sa kanyang ama.

Sa kanyang post rin ay ipinaabot ni Iñigo ang kanyang pasasalamat sa pag-aalaga nito sa kanya. Maging ang mga lessons at pag-udyok ni Piolo sa binata para mas lalo pang pagbutihin ang sarili ay pinasalamatan rin ni Iñigo. Sa huli, ay ipinaabot rin ni Iñigo ang kanyang pagmamahal sa kanyang ama, at tinapos nga ang mensahe sa isang matamis na “love you”.

Photo Credits: Iñigo Pascual | IG

“Thanks for being so fun and caring. Thanks for all the lessons and for always pushing me to be the best version of myself. Love you!”

Makikita naman sa mga larawang ibinahagi ng 24 anyos na aktor na madalas silang magbonding kung saan nga ay magkasama silang mag-gym o kaya naman ay sumubok ng iba’t ibang sports. Bagama’t, hindi masisilayan sa harap ng camera, ay napag-alaman sa post ni Iñigo na malapit sa isa’t isa silang mag-ama. At ang pagkakaroon nga nila ng magandang relasyon na ngayon lang nasilayan ng madla, ay ikinatuwa naman ng marami nilang tagahanga.

Photo Credits: Iñigo Pascual | IG

Hindi lamang nga isang mahusay na aktor ang hinahangaan ng lahat na si Piolo Pascual, kundi isa ring butihin at mapagmahal na ama sa kanyang nag-iisang anak na si Iñigo.

error: Content is protected !!