Connect with us

Funny

Aktor na si Enchong Dee, Sinubukang Utangan ng 3-Milyong Piso Sina Enrique Gil, Maja Salvador, Erich Gonzales at Iba pang Malapit na Kaibang sa Industriya

Published

on

Sa panahon ngayon, ay sadyang napakahirap ang makatagpo ng isang tunay at tapat na kaibigan. Sabi nga nila, masusubok ang isang pagkakaibigan sa oras ng kagipitan kung saan ay mababatid kung maasahan ba ito o hindi. Kaya naman, isang biyayang maituturing kung may kaibigan kang maaasahan anumang oras at pwedeng lapitan sa oras ng kagipitan. Isang kaibigan na handang umagapay at tumulong sa problemang kinakaharap.

Napakapalad nga ng aktor na si Enchong Dee sa pagkakaroon ng mga tapat at tunay na kaibigan sa showbiz na talaga namang maaasahan sa oras ng kagipitan. Ang mga kaibigan ngang ito ng aktor ay tampok sa kanyang vlog, kung saan ay sinubukan niyang mangutang ng 3M sa pamamagitan ng tawag sa telepono. Dito nga nasubok ng aktor kung sino sa kanyang mga kaibigan ang maaari niyang lapitan kapag nagipit siya. Ngunit, ang pangungutang pala ng aktor ay prank lamang.




Una ngang tinawagan ni Enchong ang kaibigan niyang si Rayver Cruz, ngunit hindi ito sumagot dahil abala umano ito. Sumunod namang tinawagan ng aktor si Gerald Anderson ngunit sa kasamaang pala ay hindi rin ito sumagot sa telepono. At ayon naman kay Enchong, ay kinabukasan pa raw sumasagot ang dalawa kahit pa sa text dahil nga sa palaging abala ang mga ito.

Sa pangatlong pagkakataon naman ay tila swerte na si Enchong nang tawagan niya ang aktor na si Enrique Gil dahil agad nitong sinagot ang tawag. Bagama’t, may ginagawa ay nakipag-usap pa rin ito kay Enchong at tahimik na nakinig sa problema ng aktor. Paliwanag ni Enchong kay Enrique ay apektado ng krisis ang negosyo niyang restaurant kung kaya’t kailangan niya ng taong malalapitan na makakapagpahiram sa kanya ng pera na nagkakahalaga ng 3M.

Laking gulat naman ni Enchong dahil agad itong pumayag na papahiramin siya ng pera. Ngunit, sa huli ay sinabi naman ni Enchong na bumili siya ng sasakyang Lamborghini at kulang ang pera niya. Dito na nga tila hindi makapaniwala si Enrique at hindi naman nagtagal ay sinabi naman ng aktor na prank lamang ito.

Sumunod namang tinawagan ni Enchong ang mga aktres na sina Bea Alonzo at Janine Gutierrez, ngunit hindi naman sumagot ang dalawa. At si Bea nga ay tila nagpatay pa ng telepono nang tawagan ulit ito.




Nang tawagan naman ni Enchong ang aktres na si Maja Salvador ay sumagot ito. At tulad ng naunang senaryo, nanghiram rin ito ng 3M kay Maja, ngunit ang kaya lang ibigay ni Maja ay nagkakahalaga lamang ng 1M. At mismong si Maja na nga ang nakadiskubre na prank lamang ito matapos sabihin ni Enchong na bumili siya ng Lamborghini. Tila naman, kilalang-kilala na ni Maja ang kaibigan niyang si Enchong.

Samantalang nang si Erich Gonzales na ang nilapitan ng aktor, ay nasermunan pa siya sa ginawa niyang prank. Nag-call back naman sa tawag ni Enchong si Gerald. Nang ilapit na nga ni Enchong ang problema ay hindi naman ito nag-atubiling tulungan ang aktor. At sa huli nga, ay natawa si Enchong sa naging reaksyon ni Gerald nang sabihin nitong nagbibiro lang siya.

Talaga namang napaka-blessed ni Enchong sa pagkakaroon ng mga tunay na kaibigan na handang tumulong sa kanya kahit pa nasa gitna ng krisis na nararanasan sa bansa.

error: Content is protected !!