Connect with us

Entertainment

Aktor na si Dennis Trillo, May Sweet na Mensahe Para sa Kaarawan ng Kanyang Girlfriend na si Jennylyn Mercado

Pinakilig ng aktor na si Dennis Trillo ang mga netizens matapos niyang ipaabot ang kanyang napakasweet na mensahe para sa kaarawan ng kanyang girlfriend na si Jennylyn Mercado.

Credits: Jenny Mercado | Instagram

Nito lamang ika-15 ng Mayo, araw ng Sabado ay masayang ipinagdiwang ng aktres na si Jennylyn Mercado ang kanyang ika-34 taong kaarawan. At dahil nga espesyal ang araw na ito para kay Jen, ay napakarami ang nagpaabot sa kanya ng pagbati na mula sa mga taong walang sawang sumusuporta at nagmamahal sa kanya.

At hindi nga mawawala ang pagbati mula sa kanyang boyfriend na si Dennis Trillo, na may hatid na sweet na mensahe para sa kaarawan ng aktres.

Credits: Jenny Mercado | Instagram

Sa Instagram ibinahagi ni Dennis ang kanyang pagbati na nilakipan ng aktor ng kanilang sweet diving photos.

Tila naging isang makata si Dennis sa bawat kataga ng kanyang mensahe para sa kasintahan. Panimula ng aktor, ay palagi siyang nasa tabi ni Jen, at kahit kailan ay hindi niya ito iiwan at pababayaan.

“Sa lupa, sa ilalim ng dagat, kahit saan pa man, at kahit anong mangyari nandito ako para sa ‘yo, hindi kita pababayaan.”

Credits: Dennis Trillo | Instagram

Sinundan naman ito ng mga kataga, kung saan sinabi ni Dennis na excited na ito sa mga mangyayari pa sa kanilang buhay. Sa huling bahagi ng post, ay mababakas naman ang labis na pagmamahal ni Dennis sa kanyang kasintahan na tinawag pang “Mahal ko”.

“Excited ako sa mga susunod na kabanata sa buhay natin. Mahal na mahal ka namin, mahal na mahal kita🤍Maligayang kaarawan sayo Mahal ko”

Samantala, nagpost rin si Jen sa kanyang Instagram ng maikling mensahe para sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Ayon nga sa aktres ay masaya siya dahil sa edad na 34 ay marami na siyang naranasan katulad ng weight changes, pregnancy, at motherhood. Dapat naman talagang ipagpasalamat ang bagay na ito, lalo na nga’t sa bawat araw ay iniingatan at pinagpapala tayo ng Diyos.

Credits: Jenny Mercado | Instagram

“I love me then, and I love me now — weight changes, pregnancy, motherhood, and everything that comes with it! Celebrate your body at every life stage because it’s unique, natural and it’s beautiful.”

Unang nakarelasyon ni Jennylyn ang aktor na si Patrick Garcia kung saan nagkaroon sila ng isang anak na lalaki, si Jaz. Samantalang, si Dennis ay nagkaroon rin ng anak na lalaki sa kanyang naunang nakarelasyon, si Calix.

error: Content is protected !!