Connect with us

Entertainment

Aktor na si Arjo Atayde, Handa Nang Mag-Settle Down Kasama Ang Girlfriend Nitong Si Maine Maendoza, Inaming Si Maine Na Ang “The One”

Isa sa mga hinahangaang celebrity couple sa industriya ng showbiz na may masaya at makulay na love life ay ang magkasintahan na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza. Kitang-kita naman talaga sa magkasintahan ang kanilang nag-uumapaw na pagmamahal sa isa’t isa kanilang mga sweet photos sa kanilang social media accounts.

Kaya naman, nang makapanayam ni Julius Babao si Arjo, ay isa sa mga naitanong sa aktor ay kung napapag-usapan na ba nila ng kanyang girlfriend na si Maine ang pagpapakasal. Hindi naman nag-alinlangan si Arjo na sagutin ng diretsahan ang katanungang ito. At ayon nga sa aktor, ay mahal na mahal niya si Maine, at wala siyang sinasayang na oras para makasama ito.

Photo credits: Istagram

“Ang sa ‘kin naman po, obviously, I’m not wasting time… Sobrang mahal ko po ‘yung tao… very sincere ‘yung tao.”

Sagot nga ni Arjo sa tanong ay napapag-usapan na nga raw nila ni Maine ang lumagay sa tahimik. Nasa tamang edad na rin naman raw sila pareho, si Arjo ay 30 years old habang si Maine ay 26 years old. Masaya rin sila sa kanilang sa relasyon kung kaya’t nasa plano na talaga nila ang mag-settle down.

“And if that’s the question, my answer to that id yes, ofcourse, nagpag-uusapan yan,” saad ng aktor.

“I’m at the right age, were not getting any younger and we’re both very happy, hopefully until we get old. So ito na po ‘yun,” dagdag pa nito.

Sa nasabing panayam, ay inamin rin ni Arjo na natagpuan na niya ang matagal ng hinahanap ng kanyang puso, at masasabing kanyang “the one” sa katauhan ng kanyang kasintahan na si Maine. Hindi rin maiwasan ni Arjo ang ipahayag ang labis na pagmamahal nila ni Maine sa isa’t isa.

“To me, she’s a very loving person, mabuti ang puso niya. And that’s also very hard to find, ‘yung sincerity ng tao. Grabe magmahal. Grabe talaga. ‘Di ko ma-explain.”

“I’m overwhelmed with the way I love her and she loves me back. It’s a different understanding… I think I found a best friend, partner, nakakausap ko [with] no hindrance being myself,” pagbabahagi pa niya.

Photo credits: Istagram

Samantala, hindi naman maikakaila na isa si Maine sa mga artista na namamayagpag ang karera ngayon sa industriya ng showbiz bilang aktres at TV host. Kaya naman, naitanong rin kay Arjo kung hahayaan ba niya si Maine na manatili sa kanilang bahay kapag mag-asawa na sila. Ayon naman kay Arjo, anuman ang nais gawin ni Maine ay susuportahan niya.

Photo credits: Istagram

At tulad ng pagsuporta niya kay Maine, ay suportado rin siya nito sa mga nais niyang gawin. Sa pagpasok nga ni Arjo sa mundo ng pulitika, ay buong-buo ang naging pagsuporta sa kanya ni Maine. Ngunit, ayon sa aktor ay ayaw nitong ma-involve ang kanyang girlfriend lalo na nga’t magulo ang mundo ng pulitika.

Photo credits: Istagram

Sa ngayon, bagama’t wala pang eksaktong detalye kung kailan nila balak magpakasal, ay makikita namang masayang-masaya sina Arjo at Maine sa piling ng isa’t isa. Sa katunayan nga nito, ay nalalapit nang ipagdiwang ng magkasintahan ang kanilang 3rd anniversary.

error: Content is protected !!