Connect with us

Entertainment

Aktor at Negosyanteng si Eric Fructuoso, Ibinahagi ang Pagbubukas ng Kanyang Bagong Food Business sa Caloocan City na Pinangalanang Gwapigs Porkchop

Si Frederick John Marco Magdaluyo Fructuoso sa totoong buhay, ay nakilala sa showbiz bilang si Eric Fructuoso. Dekada 90 nang makilala si Eric sa industriya ng showbiz, matapos mapabilang sa sikat na male teen group na “Gwapings” na kinabibilangan nina Mark Anthony Fernandez, Jomari Yllana at Jao Mapa. Magmula nga noon, ay lumikha ng pangalan sa showbiz ang grupo, at nakilala ang kani-kanilang pangalan.




Hindi naman maitatanggi ang husay sa pag-arte grupo, kung kaya’t dinagsa ang kanilang karera ng mga proyekto. Kabilang na nga rito ang mapabilang sa cast ng sitcom na Palibhasa Lalake kung saan nakasama nila ang mga batikang artista na sina Richard Gomez at Joey Marquez. Nagkaroon rin ng sariling pelikula ang grupo noong 1992, ito ang Guwapings: The First Adventure. Kahit ang variety show ay pinasok rin ng kanilang grupo, ito naman ang Gwapings Live! na nagtagal noong 1993.

Sa kabila naman ng dami ng proyekto ni Eric, ay iniisip pa rin niya ang hinaharap. Bukod nga sa pagiging isang artista, ay pinasok na rin ni Eric ang pagnenegosyo, at ang pangalan ng grupong kanyang pinagmulan, ay hindi nawawala sa pangalan ng kanyang mga negosyo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @eric.fructuoso

Noong ika-11 ng Enero, ay ibinahagi ng 34 taong gulang na si Eric sa kanyang Instagram, ang update sa construction ng bago niyang negosyo na sinimulan niyang ipagawa noong nakaraang buwan. Sa kanyang post, ay ipinahayag ng aktor na magbubukas na Enero 16, ang unang branch ng kanyang food business sa Caloocan na pinangalanang “Gwapigs Porkchop”.

“Opening ng first branch ng Gwapigs Porkchop January 16 Saturday sa Dagat-Dagatan, Caloocan.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @eric.fructuoso

Samantala, maliban sa bagong negosyo ni Eric, ay nauna na niyang ibinahagi ang pagbubukas ng kanyang motorcycle shop na tinawag na Gwapings Moto sa Naic, Cavite noong nakaraang buwan lamang. Bukod pa rito, ay tumutulong rin si Eric sa construction business ng kanyang non-showbiz na asawa na si Gian, na kasama na niya sa buhay sa loob ng 17 na taon.




 

View this post on Instagram

 

A post shared by @eric.fructuoso

Ngunit, hindi lamang ito ang abilidad at kakayahan na dapat hangaan sa buhay ni Eric, kundi pati na rin ang kanyang pagiging isang mapagmahal, mabuti at responsable ama sa kanyang mga anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @eric.fructuoso

Tunay nga na napakasipag at determinado si Eric pagdating sa pagnenegosyo. Kaya naman, tiyak na mabibigyan niya ng magandang buhay ang kanyang mga anak, kahit hindi na niya pasukin pa ang pag-aartista.

error: Content is protected !!