Connect with us

Entertainment

“Ako yung Natoto sakanila” Anak nina Korina at Mar Roxas na sina Pepe at Pilar, Ipinamalas ang Galing sa Wikang Hiligaynon

Sa panahon ngayon, sinisiguro ng mga magulang na bihasa ang kanilang mga anak hindi lamang sa salitang Tagalog at Ingles kundi pati na rin sa wika ng iba pang bansa. Kakaunti lamang ang mga magulang na itinuturo ang ibang wika ng Pilipinas gaya ng Bisaya o Hiligaynon. Dahil dito, talagang kahanga-hanga ang ginawang pagtuturo ng mag-asawang sina Korina Sanchez at Mar Roxas sa kanilang dalawang anak na sina Pepe at Pilar.

Photo credits: Korina | Instagram

Matatandaang lumaki sa Roxas City, Capiz ang asawa ni Korina na si Mar. Ang buong pamilya rin nito ay nagsasalita ng Hiligaynon. Dahil dito, minabuti ni Mar na turuan ang kaniyang mga anak ng wikang Hiligaynon. Ikinatuwa naman ito ni Korina. Ayon sa isang panayam,

“I think it’s also good that kids are grounded that way. That they know a language. E dun naman talaga nanggaling ang mga ninuno nila. From both sides of the lola, sa Araneta side. Well, darating din naman ang panahon, pagdating ng school, siyempre English yan.”

Bukod sa pagtuturo ni Mar sa kaniyang mga anak, hindi na rin nakapagtataka na mabilis matutunan ng kanilang mga anak ang Hiligaynon dahil napalilibutan sila ng mga taong bihasa rito. Ayon pa nga kay Korina,

Photo credits: Korina | Instagram

“Yun talaga ang naging training nila because puro Ilonggo ang nasa bahay namin, including the father, the lola, all the househelp, ganun. Hindi ko sila maintindihan half of the time kaya ako yung natututong mag-Ilonggo dahil sa kanila.”

Photo credits: Korina | Instagram

Photo credits: Korina | Instagram

Dahil dito, nagdesisyon din si Korina na turuan ng iba pang wika ang kambal,

“I do talk to them in English and Tagalog. I try to teach them French to marginalize everyone else para kami-kami naman nagkakaintindihan. Pero puntong Ilonggo pa rin ang French nila so sige, mag-English na lang muna tayo.”

Photo credits: Korina | Instagram

Bukod sa galing nina Pepe at Pilar sa iba’t ibang wika, ibinahagi rin ni Korina na may talento ang kaniyang mga anak sa pagkanta,

“With Pepe, he’s really a singer. He sings all the time. And so is Pilar, actually.”

Photo credits: Korina | Instagram

Dagdag pa nito, “So may tono sila, and may beat sila. Napapalitan pa nila ang lyrics ng kanta without going off key so nagugulat ako doon kasi may talent.”

error: Content is protected !!