Connect with us

Entertainment

“Ako talaga yung pineperahan dito” Non-showbiz Boyfriend ni Angeline na si Nonrev, Sinagot ang Isyo na Pineperahan niya si Angeline, Ibinahagi din na naging Batang Ama siya Noon

  • Hindi nakaligtas sa mga usap-usapan na peneperahan ng non-showbiz partner ni Angeline ang singer-aktres.
  • Taliwas ito sa mga sabi-sabi dahil ayon sa singer-aktres na si Angeline, siya pa mismo ang namemera dito.

Naging usap-usapan sa social media ang non-showbiz partner ni Angeline Quinto na si Nonrev, dahil umano ang habol lang nito sa singer-aktres ay ang pera nito dahil narin sa estado ng buhay ngayon ni Angeline dahil sa kanyang matagumpay na karera.

Taliwas sa iniisip ng nakararami, ibinahagi ng magpartner sa naging first ever appearance ng kanyang non-showbiz partner na si Nonrev sa vlog ng aktres na diumano si Angeline pa ang namemera dito.

Photo credits: Angeline Quinto | Instagram

Sa ginawa nilang Q&A isa sa mga naging katanungan kay Nonrev ay ang mga isyu na binabato sakanya patungkol sa tunay nitong intensyon nito ng pakikipagrelasyon sa aktres dahil sa pera.

Sa naging katanungan sakanyang ito ay natawa si Nonrev at pabiro nitong sinagot na, siya pa diumano ang pineperahan ng aktres.

“Ako talaga yung pineperahan dito.” pagbabahagi ni Nonrev.

Pinatunayan naman ito ni Angeline kung saan inamin niya na totoo naman daw talaga na siya ang namemera sa kanyang partner na si Nonrev.

“Ako yung namemera sakanya. Totoo to, pagbabahagi ni Angeline.

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Paliwanag pa ng aktres na,

“Kasi wala akong GCash, wala po akong GCash dito sa cellphone ko, so every time magkukulang ‘tong pera ko pambayad sa Grab, sa kanya ako nakikiusa.”

“Nung buntis ako, ang dami kong gustong kainin. Ang dami talagang moment na madaling araw, wala talaga akong cash, GCash niya ubos na, so from bangko niya magta-transfer pa siya sa GCash niya para lang makapagbayad,” dagdag pa ni Angeline.

Pero ayon kay Angeline, hindi siya makakatakas sa mga utang niya sakanyang partner lalo na’t inililista umano ito ni Nonrev, nagugulat nalang diumano si Angeline na nakalista pala lahat ng kanyang utang.

“Magugulat na lang ako, nakalista lahat!” ani Angeline.

“Sinasabi ko sa kanya na babayaran ko naman talaga yun kasi hinihiram ko talaga,” ani pa niya.

Hindi naman itinangi ni Nonrev ang kanyang nakaraan at hindi ito nahiyang ibahagi sa nasabing vlog na may tatlo na siyang anak bago pa sila maging magpartner ni Angeline at magkaanak. Si nonrev ay may anak sa una nitong nakarelasyon at isa sa pangalawa, at isa pa ulet kay Angeline.

Ibinahagi nito na minsan siyang naging batang ama.

error: Content is protected !!