Connect with us

Entertainment

“Ako nalang ibash mo. Wag anak ko”: Melai Cantiveros, Hindi Napigilan Na Sagutin ang Basher Na Nang-insulto Sa Kanyang Anak

Tayong mga magulang ay hindi papayag na saktan ng ibang tao ang ating mga anak. Hangga’t kaya natin silang iiwas sa kapahamakan at protektahan ay ginagawa natin ang abot ng ating makakaya.

Ganito nga natin ipadama ang ating pagmamahal sa ating mga anak. Katulad na lamang nga ng TV host at komedyanteng si Melai Cantiveros na hindi nakapagpigil na sagutin ang isang netizens na ininsulto ang kanyang anak.

Umiral nga ang pagiging isang ina ni Melai, kung kaya’t matapang niyang sinagot ang basher para maprotektahan ang kanyang anak.

Sa kanyang Instagram account, ay ibinahagi ni Melai ang screenshot na kuha sa komento ng isang basher na nagsabing pangit ang kanyang anak.

“Epal mo din e ano. Wag mo nga i-ship si Kyle (Echarri) kay Chie (Filomeno), anak mo nga ang pangit,” komento ng basher, na tila fan ng aktres na si Francine Diaz.

Sa caption ng post ni Melai ay talagang madadama ang bagsik ng galit ng isang ina. At ayon nga sa aktres, ay ipapahanap niya ang taong ito at idedemanda dahil sa hindi magandang asal at ginawang pang-iinsulto sa kanyang anak.

“Humanda ka. Papahanap ko sa NBI account mo. Mahahanap kita at dedemanda kita sa sinabi mo sa anak ko. Ako sabihan mo okay lang ‘wag ang anak ko. Kahit itlog ka, kahit mag-deactivate ka. Alam ko fan ka ni Francine, mahahanap kita,”pahayag ni Melai.

Kinabukasan naman, ay nasundan ang kanyang post ng screenshot ng naging pag-uusap nila ng nasabing basher. At ayon kay Melai ay nakapag-usap na sila at humingi na raw ito ng paumanhin sa kanya.

Caption naman ni Melai sa kanyang post, bagama’t hindi siya naniniwala na hindi ito ang nagkomento at nagsabi ng hindi maganda sa kanyang anak, ay mas pinili niyang patawarin ito matapos humingi ng tawad.

“Ngayon nag-reach out naman siya at marami sinasabi, na hindi naman ako maniwala na hindi siya nag-comment nun. Pero siyempre sino ba ako para ‘di mapakinggan ang side niya at ‘di siya mapatawad,” aniya.

Sinabi rin ni Melai na sana raw ay magsilbing leksyon ito sa iba, lalo na sa mga taong hindi nag-iingat sa pagbitaw ng salita sa social media. Sana rin raw ay matuto ang bawat isa na rumespeto ng opinyon ng ibang tao. Ayon pa sa aktres, ang marunong rumespeto ng kapwa ay may matiwasay na buhay.

“Hayan, maging lesson ‘yan na ‘wag basta magpadala sa feelings tapos pipindot na lang na ‘di inaalam kung may mahu-hurt ka ba na damdamin. Matuto tayo rumespeto ng tao. Respeto is the key para sa matiwasay na buhay. Kung ‘di mo gusto ang sinasabi ng ibang tao, irespeto mo and let’s mind our own business. At last, magpatawad at magmahalan.”

Humingi rin ng paumanhin si Melai sa aktres na si Francine Diaz dahil nadamay umano ang pangalan nito sa isyu.

“Pasensiya ka na bebe at nadamay name mo dito. Alam kong maiintindihan mo naman kung saan ito nanggagaling,” aniya.

Si Melai at asawa nitong si Jason Francisco ay biniyayaan ng dalawang anak na babae, sina Amelia Lucille at Stela Rosalind.

error: Content is protected !!