Connect with us

Entertainment

Aiko Melendez, Ipinaramdam Sa Kanyang Panganay na Anak na si Andre ang Kanyang Pagmamahal sa Pamamagitan ng Isang Sweet Birthday Message

Ang sikat na aktres na si Aiko Melendez ay isa nga sa mga primyadong aktres na patuloy na ipinapamalas ang talento sa pag-arte sa kahit anumang roles na kanyang gampanan mapa-bida man o kontrabida.

Credits: Aiko Melendez | IG

Ngunit, ang kilalang mataray at palabang Aiko sa harap ng camera, ay isa palang butihin at mapagmahal na ina sa kanyang mga anak sa tunay na buhay. Sa ngayon ay may dalawang anak na si Aiko, ang kanyang panganay na si Andre ay anak niya sa kanyang dating asawa na si Jomari Yllana. At ang bunsong anak naman ni Aiko na si Marthena Jickain ay anak naman niya kay Martin Jickain.

Credits: Andre Yllana | IG

At bilang isang mabuting ina sa kanyang mga anak ay buong pusong ipinaparamdam ni Aiko ang kanyang labis na pagmamahal sa mga ito. Kaya naman, sa pagdiriwang ng ika-23 taong kaarawan ng kanyang panganay na si Andre, ay hindi nakalimutan ng aktres na ipadama ang kanyang pagmamahal sa kanyang anak sa pamamagitan ng isang sweet birthday message na kanyang idinaan sa pagpost sa Instagram.

Kalakip ang gwapong larawan ng anak ni Aiko na si Andre, ay ipinaabot ng aktres sa isang IG post ang kanyang sweet at nakakaantig na mensahe para sa kanyang anak. Nito lamang ika-7 ng Setyembre nang ipagdiwang ni Andre ang kanyang ika-23rd birthday. At sa kanyang mensahe nga, ay nangako si Aiko na kahit na nasa tamang edad na si Andre, ay hindi siya magsasawang suportahan ang kanyang panganay na anak.

“To my panganay, happiest birthday son andreyllana. You are loved, today, tomorrow, and always. No matter how big you get or how far you go I will be here for you. Love you so much.”

Credits: Aiko Melendez | IG

Ang anak nina Aiko at Jomari na si Andre, bukod nga sa gwapo ay may natatangi rin itong talento sa pag-arte. Kaya naman, hindi nagdalawang isip ang binata na sumunod sa yapak ng kanyang mga magulang na pumasok sa mundo ng showbiz. Hindi naman talaga maikakaila na namana rin ni Andre ang magandang katangian at talento ng kanyang mga magulang bilang mahuhusay na artista sa showbiz.

Samantala, kamakailan lamang ng pumirma ng exclusive contract si Andre sa Viva Artists Agency. Minsan na ring ibinahagi ni Andre na ang kanyang number one goal ay ang lumikha ng kanyang sariling pangalan sa mundo ng showbiz.

Credits: Andre Yllana | IG

“Makapagtayo ng sarili ko pong name na hindi lang po anak ni Aiko at anak po ni Jomari. In the future po sana, makapagtayo po ako ng sarili kong name, makikilala po ako as Andre Yllana.”

Sinabi rin ni Andre na umaasa siyang makakatrabaho niya ang kanyang mga magulang, lalo na ang kanyang inang si Aiko na nagsisilbi niyang inspirasyon sa pag-arte, dahil alam niyang isa itong mahusay na artista.

“My inspiration is Mommy. Growing up, nakita ko na busy siya palagi sa pag-arte. Kapag nakikita ko ‘yung mga roles niya, lalo na kung contrabida siya, ako ang kinakabahan. So mas kakabahan ako kay Mommy, knowing how good she is.”

error: Content is protected !!