Connect with us

Entertainment

Aiko Melendez Ibinida ang OOTD at Walang Kupas Niyang Ganda sa Pinaka-Bagong Viral Photo Niya sa Social Media, Mga Netizens Namangha

Muling pinamangha ng aktres na si Aiko Melendez ang maraming mga netizens sa pinakabagong larawan na ini-upload niya sa kanyang social media account. Makikita sa pinakabagong IG post ng celebrity mom-actress ang kanyang larawan kung saan ay ibinida niya ang OOTD niya na tunay namang bumagay sa kanya.

Sa nasabing larawan ay nakasuot ang aktres na ngayon ay isa na ring politician ng white top na tinernuhan niya ng baby blue na kulay ng shorts at sandals ng Dior. Kitang-kita naman na maliban sa OOTD niyang ito ay pak na pak din ang kanyang awrahan lalo na ang walang kupas niyang kagandahan.

Mapapansin na tila walang makeup sa larawan na ito si Aiko at ang kanyang buhok ay nakatali ng halfponytail, magkaganunman ay tunay na kahanga-hanga ang kanyang angking ganda.

Kaagad namang umani ng napakaraming positibong komento mula sa kanyang mga tagahanga at mga netizens ang bagong upload na larawan ngang ito ni Aiko. Ang ibang mga netizens ay pinuri ang walang kupas na kagandahan ng aktres at may iba naman na napansin ang mas-slimming figure nito ngayon na mas lalong nagpabata pang tingnan sa kanya.

Komento ng ibang mga netizens tunay na napakaganda pa rin ni Aiko sa kabila ng edad nito, at sa awrahan nito ngayo at sa mas slim figure nga nito ay mas bumata nga itong tingnan. Ang iba namang netizens ay sinabing kaya napakaganda ni Aiko ngayon ay dahil nasa tamang tao na ito at masaya ang buhay pag-ibig.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens;

“Batang-bata ang look idol! Super pretty!”
“Gumaganda talaga ang babae basta nasa tamang tao.”
“Parang si Alice Dixson sa unang tingin, ageless beauty.”
“Ate so amazing, forever young looking and beautiful talaga.”
“Ang ganda pa rin ni Aiko, walang kakupas kupas. Lalo siyang bumata ngayon.”

Matatandaan na hindi ito ang kauna-unahang larawan ni Aiko na nag-viral sa social media, ito ay matapos ang naging malaking transpormasyon niya dahil sa kanyang gina1wang fitness journey, kung saan ay talagang marami ang na-inspire sa kanya dahil sa napakagandang resulta nito sa kanyang katawan at kalusugan.

Si Aiko Melendez ay isa sa mga kilalang batikang aktres sa mundo ng showbusiness. Dahil sa kanyang husay at galing ay iba’t ibang mga parangal na din ang kanyang nakamit, tulad na lamang ng Best Supporting Actress award na nakuha niya noong taong 2018 dahil sa mahusay niyang paganap sa pelikulang “Rainbow Sunset.”

Maliban pa sa pagiging isang aktres ay naging politician din si Aiko. Matatandaan na siya ay nanalo bilang Quezon City Council noong taong 2001 at naglingkod ng hanggang taong 2010.

error: Content is protected !!