Connect with us

Entertainment

Ai-Ai Delas Alas, Isang Proud Nanay Matapos Makapagtapos ng Kolehiyo ang Kanyang Anak na si Sophia

Isa nga sa talagang pinapangarap ng mga magulang para sa kanilang mga anak, na maituturing na isang malaking tagumpay, ay ang makapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak.

Wala naman talagang pagsidlan ng galak ang puso ng mga magulang kapag ang pangarap para sa kanilang mga anak, na makapagtapos ng pag-aaral ay natupad. Masasabi nga na ang lahat ng pawis at sakripisyo, upang maitaguyod ang pag-aaral ng mga anak, ay isang malaking tagumpay.




Bilang isang magulang nga, ay proud na proud ang Comedy Queen na si Ai-Ai Delas Alas sa kanyang anak na si Sophia Andrea Delas Alas, matapos itong makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.

At kamakailan nga, ay proud na ibinahagi ng komedyana sa Instagram, ang nakamit na tagumpay ng kanyang anak, at tagumpay rin niya bilang isang  magulang. Sa isang mahabang post sa Instagram, ay ibinahagi ni Ai-Ai ang labis niyang kaligayahan at pasasalamat dahil magtatapos na sa kolehiyo ang kanyang anak sa kursong Bachelor of Science Major in Early Childhood Education.

“Una sa lahat CONGRATULATIONS aking bunso at only daughter SOPHIA ANDREA DELAS ALAS at gagraduate na sya sa wakas wohoooo ..” bungad ni Ai-Ai sa post.

Samantala, labis rin ang pasasalamat ni Ai-Ai sa Panginoon dahil nagawa niyang maitaguyod ang pag-aaral ng kanyang anak. At ayon kay Ai-Ai ang tagumpay na ito ay maihahalintulad sa pagtanggap niya ng karangalan sa kanyang trabaho bilang isang mahusay na aktres.

“Nag papasalamat ako sa POONG MAYKAPAL AT MAMA MARY sa pag gabay sa akin bilang isang ina na maitaguyod ko ang pag aaral ng aking anak .. naiiyak ako sa tuwa aktwali naiiyak talaga ko so iiyak nako hehe ? parang nabigyan ulit ako ng papal award at international acting award sa nangyareng ito sobra sobrang trophy ito anak.”

At habang nag-aaral sa ibang bansa si Sophia upang tuparin ang kanyang mga pangarap, ay may mga taong tumulong sa kanya. Isa rin ito sa ipinagpasalamat ni Ai-Ai sa kanyang post. Hindi nga maipaliwanag ni Ai-Ai ang nadaramang kaligayahan. At ang mga salita, ay hindi sapat kung gaano niyang ipinagmamalaki ang kanyang anak na si Sophia.




“Bawat magulang ay yan ang pangrap ang mapagtapos ang kanilang mga anak .. nag papasalamat din ako kay Miguel ( papa ni budang) at sa kanyang maybahay na si Pricilla dahil noong wala pa kaming bahay sa amerika doon tumira ang anak ko habang nag aaral sya ng hschool at first year college salamat @priscillasalud .. napa ka agang pang valentines at pa bday ni lord ito pa ra sa akin .. salamat DLSU sa ilang taong pamamalagi nya sa unibersidad na yan … iam so proud of you baby girl budangdin, budang kulotski,budaski .. andrea .. i love you so dearly anak @sophdelasalas .. ANIMO LASALLE,” pahayag ni Ai-Ai.

Si Sophia ang nag-iisang babae sa tatlong anak ni Ai-Ai na kinabibilangan nina Sancho at Sean.

error: Content is protected !!