Connect with us

Entertainment

“Ageless beauty”: Sa Kabila Ng Kanyang Edad Na 40, Antoinette Taus Taglay Parin Ang Kahanga-hangang Kagandahan

Ilang taon man nga ang lumipas ay tila hindi naman nadagdagan ang edad ng aktres na si Antoinette Taus. Ngayon nga ay 40 taong gulang na si Antoinette, ngunit lutang na lutang parin ang kanyang natatanging kagandahan.

Credits: Antoinette Taus | IG

Dekada 90 nang makilala sa industriya ng showbiz si Antoinette, at noon pa man ay talagang agaw pansin na ang kanyang taglay na kagandahan. Nagsimula bilang isang teen star si Antoinette sa kanyang karera at pinatunayan nga ang husay sa pag-arte sa kanyang pagganap bilang Anna sa teleseryeng Anna Karenina. Marami nga ang pinahanga ni Antoinette sa kanyang natatanging talento sa pag-arte.

Naging bahagi rin si Antoinette ng programang TGIS kung saan mas nakilala ang kanyang pangalan. Hinangaan rin siya sa paghahatid ng kilig sa mga manonood sa tambalan nila ng aktor na si Dingdong Dantes sa teleseryeng “Sana Ay Ikaw Na Nga”. Ang kanilang nakakakilig na tambalan ay talaga namang tumatak sa puso ng marami nilang tagahanga dahil bagay na bagay naman talaga sila sa isa’t isa.

Credits: Antoinette Taus | IG

Ngunit, hindi naman nagtagal ay nagpasya namang lisanin ni Antoinette ang showbiz at piniling mamuhay ng tahimik sa Los Angeles sa loob ng ilang taon. Dahil nga, may hangganan naman talaga ang kasikatan sa showbiz, ay may ibang mga bagay siyang pinagkaabalahan at ito ay bilang isang pilantropo. Katulad na lamang ng pagtayo ng isang organisasyon na naglalayon na makatulong sa mga nangangailangan.

Ito nga ang CORA o Communities Organized for Resources Allocation na hango sa pangalan ng kanyang pumanaw na ina. Ang organisasyon na ito ay naglalayon na makatulong sa mga nangangailangan. Nagbibigay rin ito ng kaalaman at solusyon sa problema ng kalikasan katulad ng global warming at climate change.

Credits: Antoinette Taus | IG

Hindi lamang nga panlabas na anyo ang kahanga-hanga kay Antoinette dahil taglay rin niya ang napakabuting puso na ang tanging hangad ay makatulong sa kapwa at kalikasan. At masasabi nga na isa siyang patunay ng “beauty with a heart”.

Sa ngayon ay marami parin ang humahanga sa kanyang kahanga-hangang kagandahan na nagpapatunay na taglay niya nga ang “ageless beauty”. Kaya naman, sa tuwing masisilayan ang kanyang mga larawan sa social media na taglay ang kanyang walang kupas na kagandahan at kaseksihan ay inuulan ito ng paghanga mula sa mga netizens. At tunay nga na kahit ilang taon na ang lumipas ay nagawang mapanatili ni Antoinette ang kanyang magandang mukha at seksing katawan sa tulong na rin ng maayos na pangangalaga sa kanyang sarili.

Credits: Antoinette Taus | IG

“Timeless beauty. You are more than a queen in your generation.”

“Beautiful inside and out”

“Walang kupas ang kagandahan”

error: Content is protected !!