Connect with us

Entertainment

Ageless Beauty ng Aktres at TV Host na si Judy Ann Santos sa Latest Photoshoot, Hinangaan ng mga Netizens

Sadyang napakaganda at tila hindi tumatanda ang aktres at TV host na si Judy Ann Santos sa kabila ng kanyang edad na 43, dahilan nga upang hangaan siya ng maraming netizens sa kanyang latest photoshoot.

Ang aktres na si Judy Ann Santos ay isa sa hinahangaan at tinitingalang aktres sa industriya ng showbiz sa larangan ng pag-arte. Sa murang edad ay ipinamalas na ni Juday ang kanyang husay sa mga ginampanang pelikula at soap opera na nagsimula noong dekada 80. Dahil nga sa kanyang husay ang ilang ulit na siyang nakatanggap ng parangal bilang isang mahusay na aktres.

Nagsimula ang kanyang karera noong 1986, kung saan nasubok ang kanyang husay nang on the spot na mag-audition para sa teleseryeng “Kaming Mga Ulila.” Dahil nga, talagang pinabilib ang marami sa kanyang talento, ay nasundan agad ito ng pelikulang “Silang Mga Sisiw Sa Lansangan” kung saan ay siya na mismo ang bida ng pelikula.

Sampung taong gulang naman nang sumabak si Juday sa seryeng, “Ula, Ang Batang Gubat” hanggang sa magsunod-sunod na nga ang kanyang proyekto at mas lalong ipinamalas ang husay sa Mara Clara kung saan kasama niya na ang mahusay na kontrabida na si Gladys Reyes. At ang nasabing proyekto na pinagsamahan nilang dalawa ang talagang tumatak sa puso ng publiko.

Ngunit, maliban sa pagiging isang award winning actress, ay isa ring butihing asawa at ina si Juday sa kanyang pamilya. Napangasawa ni Juday ang aktor at TV host na si Ryan Agoncillo kung saan ang kanilang pagmamahalan ay biniyayaan ng tatlong supling.

Photo credits: Judy Ann Santos – Agoncillo | IG

Photo credits: Judy Ann Santos – Agoncillo | IG

Samantala, sa mahabang panahong nasa industriya ng showbiz, ay nasaksihan na natin ang matagumpay na buhay ni Juday. At kapansin-pansin naman na tila hindi nagkakaedad si Juday, na kung saan ay sadyang napakaganda parin.

Kamakailan lamang, ay naging usap-usapan si Juday ng mga netizens na talagang humanga sa kanyang ageless beauty sa kanyang latest photoshoot.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mark Nicdao (@markednicdao)

Sa Instagram ay ibinahagi ng sikat na photographer na si Mark Ed Nicdao, ang isang post kung saan masisilayan ang walang kupas na kagandahan ni Juday. Makikita na talagang napakaganda ni Juday sa mga kuha ng larawan dahilan nga upang humanga at mas lalo siyang mahalin ng kanyang asawang si Ryan.

Agaw-pansin sa mga larawan ang awra ni Juday, na tila habang magkakaedad ay mas lalo namang gumaganda. Kaya naman, hindi nakapagtataka na ulanin ng papuri at paghanga ang aktres mula sa mga netizens.

error: Content is protected !!