Connect with us

Entertainment

“Age Doesn’t Matter”: Kilalanin ang mga Sikat na Personalidad na ito na may Malaking Age Gap sa kanilang Partner

Sadyang napakamakapangyarihan ng pag-ibig, dahil kaya nitong baguhin ang mundo ng isang tao anumang oras sa anumang pagkakataon. Sabi nga sa kanta “kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito”.

Kapag ang pana na ni Kupido, ang tumama ay tiyak na hindi na nga mapipigilan pa ang pagtibok ng puso, anumang balakid ang kaharang rito. Katulad na lamang nga ng malaking age gap sa dalawang pusong nagmamahapan. Tunay nga na “age doesn’t matter if you love each other” ang magiging linyahan ng mga pusong nag-iibigan, gaano man nga kalaki ang age gap nila.

Sa mundo ng showbiz, ay marami na tayong nasaksihan na nagpatunay na ng mga salitang “love knows no boundaries” kahit pa age gap ang pag-uusapan.

Ating kilalanin ang mga sikat na celebrity sa showbiz na hindi naging hadlang ang malayong agwat ng kanilang edad sa kanilang pagmamahalan. Sila nga ang mga sikat na celebrity couple na ipinaglaban ang kanilang pagmamahalan sa kabila ng napakalaking age gap.

1. Rocky Salumbides at Eula Valdes

Ang sikat at batikang aktres na si Eula Valdes at boyfriend nitong si Rocky Salumbides ay may age gap na 12 years. Ngunit, sa kabila nga ng malayo nilang agwat sa kanilang edad ay hindi ito naging hadlang sa kanilang pagmamahalan.

2. Vilma Santos at Ralph Recto

May 10 taon na agwat naman ang mag-asawang sina Vilma Santos at Ralph Recto, kung saan ay mas matanda si Vilma sa kanyang asawa.

3. Assunta De Rossi at Jules Ledesma

22 years naman ang pagitan ng edad ng mag-asawang Assunta de Rossi at Jules Ledesma. Mas matanda si Jules kay Assunta, ngunit naging mas matibay ang kanilang pagmamahalan matapos maikasal noong 2002. Sa ngayon, ay biniyayaan na rin ng isang supling ang kanilang pagsasama matapos ang mahabang panahong paghihintay.

4. Tonyboy Cojuangco at Gretchen Barretto

May 19 taong agwat naman sa mga edad nina Tonyboy Cojuangco at Gretchen Barretto. Hindi naman ito hadlang sa kanilang pagmamahalan na kung saan ay biniyayaan ng isang anak, si Dominique.

5. Robin Padilla at Mariel Rodriguez

Full of love naman ang pagsasama ng mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez na may 15 taong agwat sa kanilang mga edad. Ngayon nga, ay masaya silang nagsasama kapiling ang kanilang dalawang anak na sina Isabella at Gabriela.

6. Heart Evangelista at Chiz Escudero

Ang mag-asawang sina Heart Evangelista at Chiz Escudero na ikinasal noong Pebrero 15, 2015, ay may 15 taong age gap.

7. Hayden Kho at Vicki Belo

25 taon naman ang age gap ng mag-asawang sina Hayden Kho at Vicki Belo. At ngayon nga, ay may isa na silang napakagandang anak na si Scarlet Snow Belo.

8. Pauleen Luna at Vic Sotto

May napakalaking age gap naman na 34 years ang mag-asawang sina Pauleen Luna at Vic Sotto na kung saan ay parang anak na ni Bossing si Poleng. Ngunit, hindi naman ito naging balakid sa kanilang pag-iibigan dahil mas lalo ngang naging matatag at matibay ang kanilang pagsasama. At ngayon nga, ay may isa na silang anak na si Baby Tali na isinilang ni Poleng noong November 6, 2017.

9. Aiai Delas Alas at Gerald Sibayan

Sa kabila ng 29 taong agwat sa kanilang mga edad, ay buong pusong nagmahalan ang mag-asawang Aiai Delas Alas at Gerald Sibayan.

10. Freddie Aguilar at Jovie Albao

Tila naman anak na ni Freddie Aguilar ang kanyang asawang si Jovie Albao dahil sa kanilang 44 taong agwat sa kanilang mga edad. Ngunit, hindi ito hadlang dahil mas nanaig ang kanilang pag-ibig sa isa’t isa.

11. Dionisia Pacquiao at Michael Yamson

Si Mommy Dionisia Pacquiao ay mas matanda ng 29 taon sa kanyang boyfriend na si Michael Yamson. Pero hindi ito naging hadlang sa kanilang pagmamahalan.

error: Content is protected !!