Aga Muhlach, Ibinahagi Ang Sekreto Ng Masaya At Matibay Na Pagsasama Nila Ng Asawang Si Charlene Gonzales

Marami ang nasurpresa at hindi inaakala na magkakatuluyan sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales. Hindi naging maganda ang pagsisimula ng kanilang pag-iibigan dahil ang Tita ni Aga na si Amalia Fuentes ay tutol sa kanilang relasyon.

Photo Credit: Charlene Gonzales Instagram




Bago rin maging magkasintahan ang dalawa ay may kanya-kanya silang nakarelasyon. Si Aga ay kilalang gwapo at maraming babae ang kanyang nakarelasyon noong kapanahunan niya sa industriya. Naging karelasyon ng aktor sina Aiko Melendez, Carmina Villaroel, at Dayanara Torres. Maging ang kilalang aktres na si Kris Aquino ay kanya ring niligawan. Siya rin ang kinikilalang ama ng panganay na anak ni Janice De Belen na si Iggy Boy.

Photo Credit: Charlene Gonzales Instagram

Samantalang si Charlene naman ay marami ring mga gwapong lalaking nakarelasyon sa industriya ng showbiz kagaya nina Cesar Montano at Troy Montero. Dahil talagang napakaganda ni Charlene, bukod sa pagiging artista ay isa rin siyang beauty queen. Sa katunayan, itinanghal siyang Binibining Pilipinas Universe noong 1994. Sumali rin siya sa Miss Universe at napabilang sa top 6 ng naturang patimpalak na ginanap sa Maynila noong 1994.

Photo Credit: Charlene Gonzales Instagram




At ngayon nga, ay masaya ng nagsasama ang dalawa kasama ang kanilang mga anak bilang isang pamilya. Sa kabila ng mga pagsubok na kanilang naranasan, kanila itong nalampasan at napagtibay nito ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Ngayon nga ay 50 taong gulang na si Aga at isang ulirang ama sa kanyang mga anak. Isa rin siyang product endorser at matagumpay na sa buhay.

Photo Credit: Google Image

Sa kanyang pagbisita sa programang “Tonight With Arnold Clavio”, ibinahagi ng aktor ang sekreto nilang mag-asawa sa pagkakaroon ng matibay na relasyon. Ayon kay Aga, nagpapasalamat siya sa kanyang asawang si Charlene sa pagpapanatiling buo at masaya ng kanilang pamilya. Sa kanilang pagsasama ng 19 taon, marami ang mga nagdaang pagsubok sa buhay nila ngunit lahat ng ito’y kanilang nalampasan at napagtagumpayan. Mahal na mahal umano ni Aga ang kanyang asawa na palaging nandiyan sa kanya upang maging masaya at manatiling magkakasama ang kanilang pamilya.

Photo Credit: Google Image




Ang masayang pagsasama nina Aga at Charlene ay biniyayaan ng dalawang anak. Ang kanilang mga anak ay talagang lumalaki ring kagaya nilang mabuting tao at may magandang personalidad.

Photo Credit: Charlene Gonzales Instagram

Ibinahagi rin ni Aga, na palagi niyang namimiss ang kanyang asawa sa tuwing nalalayo ito sa kanya. Para umano sa kanya, tila kakaiba ang kanyang pakiramdam tuwing hindi niya kasama ang asawa. Ayon kay Aga, bukod sa pagiging asawa ay isa ring mabuting kaibigan si Charlene at palagi silang masaya sa bawat oras na sila’y magkasama.




Tunay ngang napapagtibay ng tunay na pagmamahal ang pagsasama ng mag-asawa anuman ang mga pagsubok na dumating sa pamilya. Good job! Isang inspirasyon para sa mga mag-asawang dumadaan sa mga problema upang mas lalong pang mapagtibay ang pagsasama para sa pamilya.