Connect with us

Entertainment

Aga Muhlach, Binisita ang Matalik na Kaibigang si Willie Revillame sa Private Resort nito sa Puerto Galera Kasama ang Kanyang Asawang si Charlene Gonzales

Hindi mabilang na indibidwal ang nagiging parte at dumadaan sa buhay ng isang tao. Ngunit, ang bawat indibidwal ay may mahahalagang papel na ginagampanan. Marahil, ang ilan ay estranghero ngunit may ilan namang nagiging kaibigan natin.

Mapalad nga ang isang taong nakatagpo ng isang tunay at tapat na kaibigan na magiging kaagapay at malalapitan sa oras ng pangangailangan. Maaaring ang isang kaibigan ay kababata, nakilala sa eskwelahan o kaya naman ay katrabaho.

Credits: Aga Muhlach | Instagram

Ngunit, anuman ang naging daan kung paano nabuo ang pagkakaibigan, ang higit na importante sa lahat ay kung paano napatatag ang isang magandang samahan, isang pagkakaibigan na walang iwanan. At sa paglipas ng panahon, ang magandang samahan ng magkaibigan ay mananatili.

Katulad na lamang nga matalik na magkaibigang sina Aga Muhlach at Willie Revillame na sinubok na ng panahon ang pagkakaibigan na nagsimula pa noong dekada 80, at hanggang ngayon nga, ay masasabi na naging matatag ang kanilang pagkakaibigan.

Kamakailan lamang nga, ika-24 nang Marso ay nagtungo ang aktor na si Aga sa pribadong resort ni Willie sa Puerto Galera kasama ang kanyang asawang si Charlene Gonzales, upang bisitahin ang matalik na kaibigan matapos ang mahabang panahong hindi pagkikita. Ang dalawa ay nagkakilala at naging magkaibigan habang nasa industriya ng showbiz kung saan ay parehong mahuhusay na aktor.

Credits: Aga Muhlach | Instagram

Sa isang Instagram post, ay ibinahagi ni Aga na bagama’t matagal na silang hindi nagkikita ng kanyang butihing kaibigan, ay walang nabago sa maganda nilang samahan. Ayon nga kay Aga, ay masaya siyang makita sa narating ng kanyang kaibigan sa buhay at karera na nagsisilbi ring inspirasyon ng marami. Hinahangaan nga ni Aga ang kanyang kaibigan, hindi lamang sa pagbibigay saya sa mga manonood bilang mahusay na TV host, kundi pati na rin ang kabutihan at pagiging bukas palad nito na hindi nagsasawang tumulong sa mga nangangailangan nating mga kababayan.

Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Aga sa kanyang post, ang masayang pag-uusap nila ni Kuya Wil, na tila ba pinag-uusapan ang saya at hirap na pinagdaanan nila sa buhay bago nila marating ang tinatamasang buhay ngayon.

Credits: Aga Muhlach | Instagram

“A good friend since the 80’s! Puno ng paghihirap at Saya ang mga pinagdaanan natin din. Happy for what you’ve become, Willie. Continue to do what you do best, tumulong at magpasaya ng tao. Nice seeing you again! God bless you my friend. Cheers! Your turn to visit us soon! [wine glass cheering emoji] #sahirapatginhawa @willierevillame @itsmecharleneg”, saad ni Aga sa kanyang IG post.

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng marami na bukod sa paghahatid ng saya sa sarili niyang programa sa mga manonood, ay talaga namang napakabuti ng puso ni Kuya Wil. At bilang isang kilala at isa nga sa pinakamayamang personalidad sa industriya ng showbiz, ay talagang gumagawa siya ng paraan para tumulong sa kapwa sa abot ng kanyang makakaya.

error: Content is protected !!