“After mo mag Bakasyon, Hihinge ka ng Donasyon?” Donation Drive ni Vice Ganda, Umani ng Samu’t Saring Komento at Reaksyon sa Social Media

Nito lamang nakaraan ay naglunsad ng fundraising campaign ang TV host comedian at Unkabogable star na si Vice Ganda para sa mga kababayan nating nasalanta ng sunod sunod na pagbagyo sa ating bansa.

“FUNDkabogable Donation Drive” ang fundraising na inilunsad ni Vice Ganda, ito ay para umano sa mga gusting magshare para makatulong sa mga nabiktima ng bagyong Ulysses na ikinatuwa naman ng kanyang mga fans.




Ngunit matapos nga nito ay kaliwa’t kanang mga pambabatikos ang naging komento ng ilang mga netizens patungkol dito.

Photo credits: Vice Ganda | Instagram

Ayon nga sa ilang mga netizens, ay dapat hindi umano humingi pa ng donasyon mula sa ibang tao ang Tv host comedian-actor, at dapat daw ay mula sa sariling gamit at kayamanan niya ang ibigay niya sa mga ito.

Photo credits: Vice Ganda | Instagram

Ibang mga netizens pa nga ang nagsabi, na dapat ay tularan ng komedyante ang ginawa ng ibang mga personalidad sa showbiz, tulad nina Willie Revillame, KC Concepcion, at Heart Evangelista, na nag-auction ng kanilang mga mamahaling kagamitan, at ang pinagbentahan nito ay ibinahagi sa mga kababayan natin na nasalanta ng bagyo.

Photo credits: Vice Ganda | Instagram

Narito nga ang mga komento ng mga netizens, na hindi sumang-ayon sa fundraising campaign na ginawa nito;

“Better kung ibebenta mo yong mga sasakyan mo or yong milyon milyong mong banyo ang halaga”,

ang naging komento nga ng isang netizens na binanggit rin ang naging pagbenta ng ani Willie Revillame ng mamahalin nitong sasakyan para mai-donate sa mga nasalanta saMarikina City.

“Magdonate din po kau galing sa yaman nyu puro fundraising galing sa bulsa ng ibang tao tpos kanino mapupunta ang credit abeer lamm na”, saad pa nga ng isa pang netizens.

“Why your asking for help when tou can very well donate on your own. What with your massive display of your wealth supposedly? I can’t believe you!”, ang hirit pa nga ng isang Facebook user.

“AFTER MO MAG BAKASYON HIHINGI KA NG DONASYON?”,




ang isa pang ngang naging komento na ang tinutukoy ay ang naging pagbabakasyon nito sa Balesin Island, kasama ang boyfriend nitong si Ion Perez, kung saan ay inabutan rin sila doon ng malakas na hagupit ng bagyo.

Lahat naman ng mga naging pambabatikos na ito, ay sinagot ni Vice Ganda, nito lamang nakaraan sa episode ng “It’s Showtime”, kung saan ay isa sa siya sa mga host.
Nilinaw ni Vice sa kanyang mga bashers na hindi siya umaasa sa donasyon ng mga tao para makatulong.

Narito nga ang naging resbak ni Unkabogable star Vice Ganda sa lahat ng bumatikos sa kanya.

“Nakakatawa lang kasi may mga nagko-comment lang na. ‘Di ba, ang dami mong pera? Bakit ka nanghihingi ng donasyon?”

“Parang mga baliw. Hindi po para sa akin ang donasyon na ito, at hindi ko po ito ginagawa para makatakas sa pagdo-donate. Makaka-asa po kayo na may personal po akong donasyon na ibibigay.”

“Ginagawa ko po ito, para sa mga madlang pipol sa mga kaibigan, sa mga Little Ponnies (tawag niya sa kanyang mga fans), na gustong mag-ambag at gustong pagsama-samahin yung kanilang mga donasyon.

“Ako na po ang nagkokolekta noon, tapos ako ang mamimili, at ako na rin po ang nagpapadala. Para nasa bahay na lang kayo”,

ang naging saad nga ng komedyanteng Tv host.

Photo credits: Vice Ganda | Instagram

Ibinahagi rin ni Vice, na siya ay nakalikom na ng higit P700,000 mula sa kanyang fundraising project. Binalaan rin ng niya ang mga madlang pipol, sa mga scammer na gagamitin ang naging pamiminsala ng bagyo para makapang biktikma at makapanloko ng tao, magkapera lang.

“Alam ko pong maramin gustong tumulong, pero hindi alam ang gagawin, magpadala po kayo sa Sagip Kapamilya at FUNDkabogable para iwas-scam, okay?

“Hindi natin mawawaglit sa mga pagkakataong ito ay ay iskamero at iskamero pa rin. Kaya, please, mag-inat po kayo para hindi masayang ang kagandahan ng loob niyo?”

Sa lahat ng nais tumulong sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo, mas mainam na sa mga paniguradong fundraising campaign na lang magpadala ng tulong, upang maiwasan na maloko o ma-scam, at sigurado pa na makararating sa mga kababayan natin ang tulong mula sa inyo.