“After 7 months, nayakap at nagkita din tayo” Sylvia Sanchez Sobra ang Saya ng Magkita Muli Sila ng Nurse na Nag Alaga sakanya Noong Tinamaan siya ng Nasakit na Covid

Pitong buwan na ang lumipas ng tamaan ng sakit na Covid-19 ang aktres na si Sylvia Sanchez at ang kanyang asawa na si Art Atayde, kung saan ay pareho nilang napagtagumpayan na labanan ang nasabing [email protected], dahil na rin sa tulong ng mga doctor at lalo na ng nurse na nag-alaga sa kanila.




Matatandaan na Ika-31 ng buwan ng Marso ng maging positibo ang aktres at ang asawa nito sa nasabing sak!t, at ika-8 naman ng Abril ng ideklara ng mga doktor, na pareho na silang “clear na sa pneumonia, at matapos ng ilang araw ay tuluyan ng naging negatibo sa sakit na Covid-19.

Samantala, batid natin na ang pagkakaroon ng sakit na C0V!D-19 ay mahirap para sa taong tinamaan nito, dahil na rin sa mag-isa niyang lalabanan ang sakit at hindi siya maaaring madalaw ng kahit sino sa kanyang kapamilya.

Photo credits: Sylvia Sanchez | Instagram

Kaya naman malaki ang parte ng ating mga health workers na umaalalay at nag-aalaga sa mga pasyente na tinamaan ng sakit na ito, dahil sila ang tutulong dito, upang labanan ang naturang karamdaman at magbigay kalakasan sa mga ito.

Photo credits: Sylvia Sanchez | Instagram

Kagaya na lamang nga ng aktres na si Sylvia Sanchez at ng kanyang aswang si Art, na malaki ang naging pasasalamat sa nurse na nag-alaga sa kanila, noong sila ay tinamaan ng Covid-19.

Matapos nga ang ilang buwan mula ng tamaan ng nasabing sakit, ay masayang ibinahagi ng “Pamilya Ko” star, na muli niyang nakasama ang heakth workers na si Dianne Engco, na siyang nag-alaga sa kanilang mag-asawa, noong sila ay ma-hospital noon.

Photo credits: Sylvia Sanchez | Instagram




Photo credits: Sylvia Sanchez | Instagram

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Sylvia Sanchez, ang larawan kung saan ay kasama niya ang health workers na si Dianne, at kalakip nito ay ang kanyang mensahe na nagpapabatid ng kasiyahan niya na muling makasama ito, at sa pagkakataong ito ay mayakap pa ito bilang tanda ng kanyang pasasalamat rito.

“After 7 months, nayakap at nagkita din tayo @diannerific. Ang saya saya ko. Kanina ko lang nakita ng husto ang mukha mo, dahil mula Marso 30 – April 16 naka-mask ka habang inaalagaan mo ako at ang asawa ko. Habang niyayakap kita kanilna, ang sarap sarap sa pakiramdam na mapasalamatan ka ng buong buo. Nakakabilib ang dedikasyon mo bilang Charge Nurse sa aming mga Covid-19 patients”, saad nga ng aktres sa unang bahagi ng kanyang IG post.

“Maraming, maraming salamat Dianne sa pag-aalaga, pagmamahal at pagsasabi lagi na ‘Kaya mo yan Ma’am Sylvia, wag kang gi-give up. Laban po!’ Ilang beses kitang tinanong noon, ‘Mabubuhay pa ba ako, Dianne? Makakauwi pa baa ko?’ Sagot mo sa akin, ‘Opo, magkikita po kayo ng mga anak mo. Hihintayin ka nila, kaya palakas at pagaling ka.’ Hahaha kaya kaiyak maalala.”, ang naging dagdag pa ng aktres.

“Isa ka sa mga naging anghel ko habang nasa hospital bed ako at nakikipaglaban kay Covid-19. Maraming maraming salamat sa’yo bagong kaibigan, bagong kapamilya, Dianne Engco. Love you”, ang pagtatapos nga ng aktres sa kanyang mensahe.

Photo credits: Sylvia Sanchez | Instagram

Photo credits: Sylvia Sanchez | Instagram

Para nga kay Sylvia Sanchez, ay malaki ang naitulong sa kanya ng nurse na si Dianne, ng mga panahon na siya’y nakikipaglaban sa Covid-19, dahil sa mga panahong tila pinanghihinaan na siya ng loob na makakayanan niya ang sak!t ay ito ang nagsasabi sa kanya ng mga salitang magpapalakas ng kanyang loob upang patuloy na lumaban at mabuhay, upang makasama niyang muli ang kanyang pamilya.