Connect with us

Entertainment

Actress-singer Maris Racal, Ipinasilip ang Kanyang All-White Bedroom na “Minimalistic Yet Functional”

Ang aktres at singer na si Maris Racal ay walang pagsidlan ng tuwa dahil ang matagal na niyang pangarap na disenyo ng kanyang bedroom ay nabigyang katuparan na. Sa isang vlog nito lamang ika-13 ng Setyembre, ay ipinasilip ni Maris ang kanyang bedroom na bagong renovate na bagama’t minimalistic ang disenyo ay napaka-functional naman.

Credits: Maris Racal | YT

Sa pagbukas ng pinto ng silid ni Maris ay makikita na ang bagong renovate niyang bedroom, ay malayong-malayo niya sa dati. Agad na bumungad ang maaliwalas at malinis na kapaligiran sa paningin. At ang dahilan nga nito, ay ang all-white na design ng kanyang bedroom.

Ayon pa nga kay Maris, ay aakalain raw na nasa langit ang pakiramdam ng taong papasok sa kanyang bedroom dahil nga sa sobrang kaputian nito.

Credits: Maris Racal | YT

“Pagpasok mo dito sa room ko, makikita mo na talaga lahat at mafi-feel mo talaga na nasa langit ka kasi literal, puti lahat,”saad ng aktres.

Paliwanag naman ni Maris, ay all-white talaga ang design na nais niya dahil talagang maganda ito sa mata, malinis tingnan at nakakagaan rin sa pakiramdam. Sa loob ng kanyang bedroom ay makikita ang mga kulay puting bedsheets, puting kurtina, at cabinet. May makikita rin ditong vanity area na hindi na niya binago dahil kulay puti narin ito at mirror-doored closet na nagagamit niya sa tuwing nag-eensayo siya ng sayaw.

Credits: Maris Racal | YT

Nagpasadya naman si Maris ng isang all-white wall sa loob ng kanyang silid, ngunit sa likod nga nito ay nakatago kanyang mga gamit tulad ng bags, shoes, perfumes at mga accessories.

“Sinadya ko talaga na may white wall. Sabi [nung designer], pwede namang cabinet or exposed na lang. Sabi ko naman sa kanya, kailangan ko ng parang roller na nawawala siya kapag hindi kailangan, tapos kapag kailangan ko, baba ko lang siya para may white background ako.”

Credits: Maris Racal | YT

Isa naman sa talagang ikinatuwa ni Maris ay ang kanyang maliit na bathroom na bukod nga sa all-white rin ang design, ay may sarili na ring bathtub. Kwento ni Maris, ay matagal na niyang pangarap magkaroon ng sariling bathtub ngunit hindi niya ito magawa. At ngayon nga, ay talagang masayang-masaya siya dahil may nakita siyang bathtub na tama lang ang laki para sa kanyang maliit na bathroom.

“Sobrang happy ko na meron na akong bathtub. Matagal na akong nangangarap na magkaroon ng personal bathtub pero never akong nagkaroon ng interest. Kuripot kasi ako eh. So ayun, since nagpa-renovate na ako, inisip ko, alam mo, bilhin ko na nga lang. Matagal ko naman na ‘tong gusto, and I think I deserve it.”

Credits: Maris Racal | YT

Bagama’t, napaka-minimalist naman ng design ng bedroom ni Maris, ay very functional naman ito. Maliban nga sa isang wall na dating nakalagay sa kwarto ni Maris na ginawa na ngayong cabinet na lalagyan ng iba pa niyang gamit, ang headboard ng kanyang kama, ay nagsisilbi naman niyang lagayan ng kanyang mga binabasang libro.

Hindi maitago ang saya ni Maris dahil sa bagong renovate niyang bedroom, ay narito na ang lahat ng kanyang kailangan. At ang pinakapaborito niyang bahagi ng kanyang bedroom ay ang kama kung saan ay nakakapagpahinga at nakakatulog siya ng mahimbing.

error: Content is protected !!