Connect with us

Entertainment

Actress-Comedian na si Wilma Doesnt, Ibinahagi ang Simple Ngunit Masayang Pamumuhay Habang Mag-isang Itinataguyod ang kanyang Tatlong Anak

Published

on

Tunay nga na ang pagpapalaki ng mga anak ay hindi madali at kinakailangang magsumikap sa buhay upang mabigay ang kanilang mga pangangailangan. Kung ang mag-asawa na magkatuwang sa pagtataguyod ng mga anak ay nahihirapan, doble naman ang hirap at sakripisyo ng isang single parent na pasan ang lahat ng responsibilidad bilang isang ama at isang ina.

Katulad na lamang ng aktres na Wilma Doesnt na isang single mom, at mag-isang itinataguyod ang kanyang tatlong anak. Bagama’t, minsan nang nagkaroon ng magandang oportunidad sa industriya ng showbiz na kung saan ay nagkaroon siya ng mga proyekto, hindi pa rin ito sapat upang mapunan ang kanilang pangangailangan.




Bilang isang single mom ay matinding paghihirap at pagsubok ang pinagdaanan ni Wilma, dahil noong bata pa lamang ang kanyang mga anak ay wala na siyang katuwang sa pag-aalaga at pagpapalaki sa mga ito. Ngunit, sa kabila ng mga pagsubok na dumaan sa buhay niya ay nanatiling matatag si Wilma alang-alang sa kanyang mga anak.

Higit naman ang hirap at pag-aalala ni Wilma sa tuwing ang kanyang mga anak ay nagkakasakit, dahil wala siyang ibang maaasahan kundi ang kanyang sarili lamang. Magmula nga noon ay parati nang iniingatan ni Wilma ang kanyang mga anak upang huwag dapuan ang mga ito ng sakit.

Hindi man pinalad si Wilma na magkaroon ng matibay na relasyon sa kanyang mga partner, at naging iba-iba ang ama ng kanyang mga anak, napakaswerte naman niya sa pagkakaroon ng mga responsableng anak. Sa katunayan nga nito, kahit abala si Wilma sa kanyang mga raket sa industriya ng showbiz, ay maaasahan niya ang kanyang mga anak sa mga gawaing bahay. Hindi nga maitatanggi na napalaki niya ng maayos ang kanyang mga anak.

Samantala, makikita naman sa ilang larawang ibinabahagi sa Instagram ng aktres na talagang napakasimple ng kanilang pamumuhay, ngunit sa kabila nito, ay masayang-masaya naman silang namumuhay ng magkakasama. Bukod sa kasimplehan ng kanyang pamilya ay napaka-down to earth rin nila. Simple lamang ang kanilang mga kasuotan at magkakatabi pa sila kung matulog sa kama.




Ngayon naman ay abala ang aktres bilang CEO at Presidente ng Manila International Integrated Learning Center, isang institusyon na nagbibigay ng trabaho o intership sa mga fresh graduates ng HRM, Tourism, Culinary at Business Management. Bagama’t, may ilan pa siyang proyekto sa showbiz, hindi naman madali para sa kanya na iwanan ang mga anak.

Patuloy ngang nagsusumikap sa buhay si Wilma upang maibigay ang mga pangangailangan ng mga anak. At hangad rin niya na balang-araw ay makapag-ipon ng sapat upang gumanda ang kanilang buhay.

Bagama’t simple ang buhay na mayroon ang mag-iina, masaya naman si Wilma na magkakasama sila at malayo sa sakit ang kanyang mga anak. Ngayon nga ay masaya silang namumuhay kasama ang ama niya, at kanyang non-showbiz partner.

Kahanga-hanga ang aktres na si Wilma sa kanyang pagsasakripisyo sa kanyang mga anak. Napakapalad ng kanyang mga anak sa pagkakaroon ng ina na gaya ni Wilma. Good job Wilma! You are a great Mom! Godbless you more!

error: Content is protected !!