Connect with us

Entertainment

Actress at Style Influencer na Si Heart Evangelista, Muling Hinangaan ng Marami Dahil sa Agaw-Pansin sa Ganda Niyang mga Travel OOTD’s sa Bansang Amerika

Buhay na pinapangarap ng marami, tila nga ito ay ang buhay na tinatamasa ngayon ng actress at style influencer na si Heart Evangelista. Maliban kasi sa pagkakaroon ng mabuting asawa, magandang karera ay tunay namang napakaganda at napakarangya ng buhay na tinatamsa ngayon ni Heart, kung saan halos nga yata lahat ng mga pangarap ng maraming kababaihan ay nasa sa kanya na.

Photo credits: Heart Evangelista | IG

Kung mayroon ngang Crazy Rich Asian sa tunay na buhay pagdating sa pagkakaroon ng mga kahanga-hanga at kabigha-bighaning OOTD, ay isa na nga rito si Heart Evangelista. Hindi na bago sa atin na hangaan ang mga OOTD niya, ito ay dahil kahit tila ano man nga ang kasuotan na isuot niya ay tunay na nabibigyan niya ito ng buhay at talagang bumabagay sa kanya.

Ilang beses na nga tayong pinahanga ng aktres pagdating sa mga OOTD’s niya, at nito lamang nga nakaraan ay muli siyang naging agaw pansin dahil sa mga naging travel outfits niya ng siya ay lumipad patungong US kamakailan lamang.

Photo credits: Heart Evangelista | IG

Kamakailan nga lamang ay lumipad patungong USA si Heart Evagelista, ito ay upang gawin doon ang ilan sa kanyang mga proyekto at collab. May mga ulat na lumabas na mapapabilang si Heart sa second season ng ‘Bling Empire!’ isa sa mga hit reality series na mapapanood sa Netflix.
Samantala, sa kasalukuyan nga ay nakabalik na sa Manila si Heart matapos ang kanyang maikiling trip sa US para sa mga proyekto niya roon.

Photo credits: Heart Evangelista | IG

At ayon sa ulat, ay ginagawa ng aktres ang kanyang mandatory quarantine sa Mariott , base na rin ito sa Instagram fee ni Heart na nasa Beverly Hills siya.
Makikita naman na ngayon palang ibinahagi ni Heart ang kanyang naging OOTD sa ginawa niyang pagta-travel sa US kamakailan lamang, at makikita sa mga larawan na ibinahagi niya kung gaano nga niya nabibigyan ng buhay ang kanyang mga outfit kahit na ang mga ito ay (non-)color white.

Photo credits: Heart Evangelista | IG

Tingnan nga sa gallery na ito ang kabigha-bighaning travel all-white OOTD ni Heart ng siya ay magtungo sa Amerika.
Makikita sa unang larawan na nakasuot si Heart ng floral Dolce & Gabbana co-ords, kung saan ay talaga namang ito ay perpekto para sa napakagandang panahon sa LA.

Ang naturang kasuotan niya na ito ay tinernohan nga niya ng pointed stelletos at siyempre hindi nawala ang mga delicate jewelry niya.

Photo credits: Heart Evangelista | IG

Isa pa sa mga kahanga-hangang travel outfit ni Heart sa US ay pagsuot niya ng cute ternong jacket at skirt. Binagayan niya pa ito ng chunky cork heels at woven Channel bag, perfect naman talaga habang siya ay nasa Hamptons.
Mas lalo namang nag-stand out ang kagandahan ni Heart habang abala siya sa mga gawain niya sa US nang isuot niya ang OOTD niyang Mark Bumgarner’s off-shoulder top at highwaist trousers.

Photo credits: Heart Evangelista | IG

Kahit nga naman tila patulog na ang aktres ay talaga namang may pang-awra pa siya na OOTD, dahil isa sa mga larawan niya ang makikita na siya ay nasa higaan na at todo ang awra ng napakaganda suot ang white coordinates na Chanel brand, habang nagpapahinga nga siya sa isang homey hotel room.

Photo credits: Heart Evangelista | IG

Maging ang suot ngang white bathrobe ni Heart aay nagmukhang luxurious at fashionable dahil sa pagdadala niya nito. Kahit nga hindi umawra ay tunay na nabigyan ng buhay ni heart ang simpleng white bathrobe na may Bulgari Serpenti brand na nakasignature, at naka agaw-pansin din ang kanyang red nails.
Talaga namang nakakabilib na naman ang travel OOTD na ito ni Heart at siguradong marami na namang mga kababaihan ang mapapasana-all.

error: Content is protected !!