Connect with us

Entertainment

Actress at Beauty Queen na si Kylie Verzosa, Ipinasilip ang Masayang Bakasyon Kasama ang Long-time Boyfriend na si Jake Cuenca sa Palawan

Noong nakaraang buwan ng Pebrero, ay talagang sinulit ng aktres at Miss International 2016, na si Kylie Verzosa ang bakasyon sa malaparaiso sa gandang lugar ng El Nido, Palawan kasama ang kanyang long-time boyfriend na si Jake Cuenca.




Photo credits: Kylie Verzosa | Youtube

Photo credits: Kylie Verzosa | Youtube

Taong 2017 nang unang magkasama sina Kylie at Jake sa pelikulang “Ang Panday”, kung saan ay nahulog sa isa’t isa nang muling magkasama sa teleserye ng ABS-CBN na “Los Bastardos” noong 2019. Naging malapit nga sila sa isa’t isa, na nagsimula bilang magkaibigan hanggang sa naging tunay na magkarelasyon.

Photo credits: Kylie Verzosa | Youtube

Makikita naman na talagang going strong ang relasyon ng magkasintahang sina Kylie at Jake. At ang isa nga sa nagpapatibay ng kanilang relasyon, ay ang madalas nilang pagbabakasyon ng magkasama. Sa madalas nga nilang pagba-bonding ay mas lalo pa nilang nakikilala ang isa’t isa.

Kamakailan nga, sa vlog ni Kylie na ibinahagi sa kanyang Youtube Channel noong ika-25 ng Pebrero, ay ipinasilip ng aktres ang masaya nilang bakasyon ni Jake sa El Nido, Palawan.

Ngunit, ang nasabing bakasyon ng celebrity couple ay hindi lamang simpleng bakasyon, kundi espesyal na selebrasyon rin para sa pagdiriwang ng kaarawan ni Kylie, na isinabay rin sa pagdiriwang ng Valentine’s Day.




Makikita na talagang nag-enjoy ang magkasintahan sa iba’t ibang aktibidad na kanilang ginawa sa napakagandang lugar ng Palawan. Bukod naman sa kasweetan sa isa’t isa na talagang kita ang mainit nilang pagmamahalan, ay agaw pansin rin ang taglay na kaseksihan ni Kyie sa suot nitong mga swim suit.

Photo credits: Kylie Verzosa | Youtube

Summer ready nga ang kahanga-hangang figure ni Kylie, at lahat ng isinuot nitong swimsuit habang nasa beach ay talagang bagay na bagay sa aktres. Maging si Jake ay ipinamalas rin ang matipuno nitong katawan, na sinabayan rin si Kylie sa mga trip nitong gawin.

Photo credits: Kylie Verzosa | Youtube

Photo credits: Kylie Verzosa | Youtube

Photo credits: Kylie Verzosa | Youtube

Talaga nga namang nag-enjoy ang magkasintahang Kylie at Jake sa kanilang masayang bakasyon sa malaparaisong ganda na taglay ng El Nido, Palawan. At habang hindi pa nga abala sa kanilang trabaho, ay talagang sinulit nila ang bawat sandali upang makapag-relax at mag-enjoy.

Photo credits: Kylie Verzosa | Youtube

Photo credits: Kylie Verzosa | Youtube

Photo credits: Kylie Verzosa | Youtube

Photo credits: Kylie Verzosa | Youtube




Photo credits: Kylie Verzosa | Youtube

Mapapanood sa nasabing vlog ni Kylie, na naroon rin ang pamilya ng aktres na si Coleen Garcia at asawa nitong si Billy Crawford, kasama ang kanilang anak upang magbakasyon.

error: Content is protected !!