Actor na si Daniel Padilla Nagbahagi ng Saloobing Patungkol sa Boyfriend ng Kanyang Ina na si Karla Estrada

Hindi naman mapaliwanag ang saya na nararamdaman ni Karla ng bumisita sa kanilang morning talk show na “Magandang Buhay” ang kanyang non-showbiz na kasintahan na si Jam Ignacio.

Hindi naman mapigilang magreak ng panganay na anak ni Karla na si Daniel Padilla sa kasalukuyang kasintahan nito dahil marahil sa nasaksihan nito ang mga nakaraang relasyon ng kanyang ina. Pinaliwanag naman ni Daniel sa panayam niya kay Boy Abunda sa “Tonigh with Boy Abunda” ang dahilan kung bakit hindi niya pa binibigay ang basbas sa relasyon ng kanyang ina at ng kasintahan nito.



Ayon kay Daniel, nasaksihan na niya ang halos lahat na naging relasyon ng kanyang ina, nakita na niya kung paano ito naging masaya at kung paano din ito nasaktan ng sobra.

Kaya naman kahit ayaw maging kontrabida ni Daniel sa relasyon at kaligayahan ng kanyang ina, ay hindi niya parin maibibigay ang basbas na hinihiling nito. Dagdag pa ni Daniel na masaya siya dahil masaya ang kanyang ina pero sa ngayon ay magsisilbing "lookout" muna siya nito.

Ayon pa kay Daniel nagpapasalamat at pinapahalagahan niya ang lahat ng paghihirap na ginagawa ni Jam para lang mapalapit sa kanya at kung paano nito alagaan at protektahan ang kanyang ina na parang "number one security" niya ito.



Sinabi din ni Daniel na madalas silang magkwentuhan ng kanyang ina tungkol sa mga kung anu anung bagay at ginagawa nila ito kahit na anung oras pa sa umaga o gabi. Tinanung din si Daniel kung sa tingin niya ba anung klase ng lalaki ang karapatdapat sa kanyang ina na si Karla at sinagot niya ito ng maiksing salita na "Tamed".

Pagpapaliwanag niya na, "Siya yung tumayong tatay at nanay namin kaya ang hirap ikumpara sa isang lalaki, Siguro kailangan niya ng mas "tamed" na lalaki. Masyadong mataas ermat ko, hindi siya pwedeng sabayan kasi 'di niya kakayanin, Para balase".



Kung matatandaan na nitong nakaraang Hunyo lang nagkakilala si Karla at ang kanyang kasintahan na si Jam at ayon sa kanya, ang pagiging pranka sa tunay na nararamdaman ni Jam para sa kanya ang isa sa bagay na nagustuhan niya dito.